David Licauco may panlaban na sa anti-selos paandar ni Jak Roberto sa ‘JRU’: ‘Sa akin naman DLSU’
KUNG may “anti-selos” class sa tinaguriang “JRU” o “Jak Roberto University”, nakakita naman ang Kapuso hunk actor na si David Licauco ng bonggang pantapat diyan.
Para naman sa lahat ng seloso, pwedeng-pwede na raw kayong mag-enroll sa “DLSU” o “David Licauco Seloso University.”
Bentang-benta sa mga fans ang kunwari’y pagsasagutan nina Jak at David dahil sa isang babaeng pagkaganda-ganda at sobrang haba ng hair — yan ay walang iba kundi ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.
View this post on Instagram
Diretsahang inamin ni David sa panayam ni Boy Abunda na totooong isa siyang selosong boyfriend pagdating sa kanyang mga nagiging dyowa.
Muling naging guest ang hunk actor sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan tinanong nga siya kung ano ang reaksyon niya sa anti-selos university ni Jak, na boyfriend ng kanyang leading lady na si Barbie.
Dito na nga ipinagmalaki ni David na may sarili na rin daw siyang university, “Sa akin ano e, DLSU, David Licauco Seloso University.”
“Gusto ko ‘yon. Palagay ko maraming mag-e-enroll diyan,” ang natawang reaksyon ni Tito Boy sa birong sabi ni David pero alam mong may laman.
Inulit ng binata na seloso talaga siya sa totoong buhay, “Siguro depende rin sa context of the situation, ‘di ba? Siyempre kung lalabas naman talaga ‘yung girlfriend mo with her friends, siyempre kailangan mo intindihin yun. Okay lang ‘yun.”
Baka Bet Mo: David hinding-hindi guguluhin ang relasyon nina Jak at Barbie: ‘Nirerespeto ko ‘yung relationship nila’
Feeling niya, wala namang masama sa pagseselos kung nasa katwiran at may pinanggagalingan. Nais lang din daw niyang protektahan ang kanyang girlfriend.
“Pero minsan kasi may mga guys na iba ‘yung pakay, ‘di ba? As a guy alam ko kung sino ‘yung guy na puwede mong pagkatiwalaan at hindi mo puwedeng pagkatiwalaan,” katwiran niya.
“Seloso ako in a way pero I don’t really say it na parang, ‘Uy, nagseselos ako.’ Siyempre hindi rin naman yun maganda.
View this post on Instagram
“Siyempre may sarili rin siyang buhay, may sarili rin akong buhay. Sa sarili ko lang. I’ll just keep it to myself,” paglilinaw pa ni David.
Samantala, ngayon pa lang ay abangers na ang mga BarDa fans sa follow-up project ng kanilang favorite Kapuso loveteam, ang upcoming Kapuso limited series na “Maging Sino Ka Man” na very soon ay babandera na sa GMA Telebabad.
Ito ang TV version ng classic at blockbuster movie noon nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla.
Kilalang sexy star umatras sa isang project dahil sa dyowang aktor na sobrang seloso
Robin binatikos dahil sa isyu kay Lapulapu; na-wow mali sa history ng DLSU?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.