Robin binatikos dahil sa isyu kay Lapulapu; na-wow mali sa history ng DLSU? | Bandera

Robin binatikos dahil sa isyu kay Lapulapu; na-wow mali sa history ng DLSU?

Ervin Santiago - May 04, 2021 - 11:45 AM

KALIWA’T kanang banat ang natanggap ni Robin Padilla matapos niyang sabihin na ang De La Salle University (DLSU) ay ipinatayo noong sakop pa ng bansang Espanya ang Pilipinas.

Nagsimula ito nang makipagtalo ang action star sa isang netizen na bumatikos sa kanyang paniniwala na ang bayaning si Lapulapu ay isang Muslim.

Sa kanyang Facebook Live noong April 29, pinanindigan ni Binoe ang paniniwala niyang Muslim si Lapulapu base na rin sa nabasang libro na “History of Muslim Spain.”

Nalaman din niya ang tungkol dito nang magbakasyon siya sa Spain kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na matutunan ang ilang detalye sa history ng mga naunang Muslim sa nasabing bansa.

May nakausap din daw na historian ang aktor na nagsabing may ilang impormasyong nakalap na may mga sinaunang Muslim na nanirahan noon sa Mactan, Cebu. Ngunit aniya, hindi rin tuwirang binanggit ng historian na Muslim nga si Lapulapu.

Sabi pa ni Binoe, “Walang mali sa usapin dito ang mahalaga ay kung San ka naniniwala na kwento.

“Kung sa inyo si lapu lapu ay pintados abay ok yan, the pintados once upon a time invaded China. sa Amin si lapu lapu ay muslim. Wala naman makapagsasabi kung ano talaga ang pangyayari,” diin niya.

Sa Facebook post naman niya nitong Linggo, sinabi ni Robin na ang “Spanish-established schools” tulad ng Ateneo de Manila University (ADMU), DLSU, at University of Sto. Tomas (UST) ay siguradong kokontra sa kanya.

Aniya, hindi umano matatanggap ng Spanish schools na ang nakatalo kay Ferdinand Magellan ay isang Muslim na si Lapulapu. Bwelta pa ni Robin sa isang netizen, “Wow Tricia Lexii you got to be kidding.

“Are you from Ateneo? de la salle? UST? All Spanish established schools for insulares, peninsulares and mestizos

“You don’t need to be a doctor of anything to accept reality. No Reconquista will accept a defeat from a moor/Moro.

“Historians from this Reconquista schools will definitely say I am liar and a fool,” aniya pa.

Samantala, agad namang kinontra ng non-partisan group na High School Philippine History Movement ang sinabi ni Binoe. Hindi raw itinatag ang DLSU noong panahong sakop pa ng Spain ang Pilipinas.

Anila, ang DLSU ay itinayo noong panahon ng American colonization sa bansa. Narito ang pahayag ng nasabing grupo na naka-post sa kanilang Facebook page.

“Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano. Una itong nagtanggap ng mga 125 mag-aaral.

“Itinatag ito sa tulong ng mga katolikong brothers, ang ‘Institute of the Brothers of the Christian Schools’ (FSC) o mas kilala bilang Lasallian Brothers.

“Hindi po ito itinatag noong panahon ng Espanyol o ng mga Kastilang prayle. These are irrefutable historical facts. Walang personalan. Katotohanan lang po.

“Makinig po tayo sa mga eksperto. Iwasan pong magpaniwala sa mga pseudohistorians o sa mga kung sinu-sino lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ibalik ang Philippine History sa High School! Kasaysayan huwag kalimutan!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending