Oliver basag daw kay Michelle: Thank you, next! Hindi dapat ako option!
FEELING ng mga netizens, ang viral lawyer na si Oliver Moeller ang pinariringgan ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee sa kanyang latest hugot tungkol sa pakikipagrelasyon.
Naging guest co-host kasi ang Kapuso actress-beauty Queen sa “It’s Showtime” na napapanood na ngayon hindi lang sa ABS-CBN kundi pati na rin sa GMA 7.
Sa segment na “EXpecially For You” ng naturang noontime show ay nabanggit ng dalaga na hinding-hindi siya pagpayag na maging option lang ng isang tao.
Ito kasi ang naging topic habang nakikipagchikahan sina Vice Ganda at Michelle sa mga contestants na sumalang sa naturang episode ng “EXpecially For You”.
Baka Bet Mo: Michelle in-unfollow si Oliver sa IG, apektado sa pag-eksena ni Kim?
“Kung ako ang nasa posisyon niya, dito ako tatayo,” ang hirit ni Michelle habang naglalakad patungo sa katabing puwesto ng searchee number 3.
“Sasabihin ko, ‘Ay pag nakita kong may pini-flirt ka, thank you, next. Hindi dapat ako option,” ang mariing sabi pa ng Kapuso star habang naglalakad pabalik sa gitna ng stage.
Pagsang-ayon naman sa kanya ni Vice Ganda, “Oo thank you, next! Ganu’n!”
View this post on Instagram
Ayon sa mga netizen, tila ang pinatututsadahan daw ng beauty queen ay ang naka-date niyang si Atty. Oliver na siyang napili niyang searchee noong sumalang sila sa “EXpecially For You”.
“SAPUL SI OLIVER.”
“Ganyan ang empowered woman.”
“You nailed it MMD!”
“Uy parang may pinaringgan hahaha.”
Baka Bet Mo: Inigo Pascual wala pa ring dyowa hanggang ngayon pero umaming ‘in love’
Last week ay napabalitang in-unfollow ni Michelle ang Instagram account ni Oliver Moeller matapos mag-viral ang pagbisita muli ng hunk lawyer sa studio ng “It’s Showtime”.
Dito nga tinuksu-tukso si Kim Chiu kay Oliver kung saan sinabi ni Vice na mukhang ang co-host nila sa show ang binibisita ng abogado.
Natanong ang binata sa isang panayam kung crush na ba niya si Kim bago pa siya umapir sa “EXpecially For You”, “I’ve always thought Kim was such a pretty person. You know, she’s from Cebu. So, I mean, I guess you could say that.”
At sa diretsahang tanong kung pinopormahan ba niya si Kim, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission. So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.”
Nito lamang nagdaang araw, nabalitang naka-follow na ulit si Michelle sa Instagram account ni Oliver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.