Inigo Pascual wala pa ring dyowa hanggang ngayon pero umaming ‘in love’
NANINIWALA ang Kapamilya singer-composer na si Iñigo Pascual na darating din ang tamang panahon na magiging masaya at makulay ang kanyang lovelife.
Single pa rin hanggang ngayon ang binatang anak ni Piolo Pascual pero hindi naman daw ibig sabihin ay boring at malungkot ang kanyang personal na buhay.
“Right now I am not currently in love with someone but I am in love with what I am doing,” ang pag-amin ni Inigo sa ginanap na virtual mediacon para sa kauna-unahan niyang international album na “Options,” na iri-release na sa June 25.
“I mean grabe ‘yung lahat ng mga nangyayari. It’s hard to really start something. I mean I’ve been saying that and I know people are getting so tired of my answer but that’s just the reality of it,” paliwanag ng binata nang tanungin tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
aliwanag pa niya, “We are going through this pandemic, so much is going on. And ang hirap din magsimula na hindi ka makakapunta. It’s also hard to say na I’m in love, it’s such a big word.”
Huling na-link si Inigo sa dati niyang ka-loveteam na si Maris Racal na kamakailan lang ay umaming sila na ng OPM singer at songwriter na si Rico Blanco.
Sa ngayon, mas pagtutuunan daw muna ng panahon ni Inigo ang kanyang career at super excited na raw siya sa paglabas ng album niyang “Options” na may 12 tracks.
Bibida na nga worldwide simula sa June 25 ang inaabangang “Options” album ni Inigo tampok ang 12 orihinal na kanta na layuning maipakilala ang tunog ng Original Pilipino Music (OPM) sa buong mundo.
Ini-record ni Inigo ang kanyang ikalawang full-length album at kauna-unahang international album kasama ang iba’t ibang producers at songwriters mula sa Manila at California sa loob ng dalawang taon.
“We’ve been working so hard for this album. We literally we had so much options for this album I mean like each track. Some of the tracks here have multiple versions. I am just glad that we are able to do this.
“We are still able to share music globally not just here in the Philippines. I am able to share whatever we have in Tarsier Records and I am just grateful, very, very grateful,” pahayag pa ni Inigo tungkol sa kanyang album.
Pangunahing konsepto ng “Options” ang ‘self-discovery’ at paglalakbay ng isang tao sa mundong puno ng posibilidad.
Maririnig dito ang pag-explore ni Inigo sa kanyang musika sa pamamagitan ng dance pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic tracks na ipinrodyus ng ABS-CBN Music label na Tarsier Records.
Carrier single ng album ang “Neverland” na ipinrodyus ng global hit producer na si Bernard “HARV” Harvey. Tinatalakay sa pop-R&B track ang pananatili sa “unknown” kesa gumawa ng hakbang para maintindihan ang isang ‘di pangkaraniwang relasyon.
Kasama sa “Options” album ang mga nauna nang ini-release na single, ang title track na “Options,” “Danger” kasama ang Common Kings at si DJ Flict, “Should Be Me,” at ang mga kolaborasyon niya kasama si Tarsier Records label head Moophs na “Lost,” “Catching Feelings,” “Always,” at ang stripped version ng “OMW.”
I-pre-save na ang album ni Inigo na “Options,” na mapapakinggan na sa Spotify, Apple Music, Deezer, at iba pang digital music apps simula sa June 25 (Biyernes), at abangan ang premiere ng music video ng “Neverland” sa parehong araw sa YouTube channel ng Tarsier Records.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.