Michelle in-unfollow si Oliver Moeller sa IG, apektado kay Kim?

Michelle in-unfollow si Oliver sa IG, apektado sa pag-eksena ni Kim?

Ervin Santiago - April 18, 2024 - 06:15 AM

Michelle in-unfollow si Oliver sa IG, apektado sa pag-eksena ni Kim?

Michelle Dee, Oliver Moeller at Kim Chiu

APEKTADO nga ba si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa panunukso at pagsi-ship kina Kim Chiu at Oliver Moeller?

Iyan ang tanong ng mga ka-Marites natin all over the universe nang mapansin ng mga netizens na bigla umanong in-unfollow ng Kapuso star si Oliver sa Instagram.

Baka Bet Mo: Michelle Dee sa 1st date nila ng look-alike ni Papa P: It was very good!

Nagkakilala ang beauty queen-actress at ang hunk lawyer sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” kung saan isa nga sa mga naging searchee si Atty. Oliver.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nag-viral si Oliver sa socmed nang siya ang mapili ni Michelle na maka-date sa espesyal na episode ng “EXpecially For You” sa unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA 7 last April 6.

Hot topic ngayon sa tsismisan sa social media ang pag-unfollow daw ni Michelle kay Oliver dahil nga wala na ito sa following list ni Michelle sa Instagram.

Nang tingnan naman namin ang following list ni Oliver sa IG ay naroon pa rin naman ang pangalan ni Michelle.

Sey ng mga netizens, napansin nila ang biglang pag-unfollow ng anak nina Melanie Marquez at Derek Dee (dating action star) kay Oliver nang muling mapanood ang binata sa “It’s Showtime”  nitong April 16.

Nang mapansin ni Vice Ganda ang abogadong Filipino-Norwegian sa studio ay tinuksu-tukso na nga sila ni Kim Chiu dahil ang aktres daw talaga ang totoong sadya ng binata.

Baka Bet Mo: Alodia, Wil magkaiba ang sagot sa hugot ng architect na nag-design sa kanilang ‘dream house’

“I just want to meet some friends, want to thank the people of Showtime and ABS-CBN for inviting me,” ang esplika ni Oliver nang matanong sa panayam ng ABS-CBN kung bakit siya bumalik sa “Showtime.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MMD (@michelledee)


Natanong siya sa naturang panayam kung crush na ba niya si Kim bago pa siya umapir sa “EXpecially For You”, “I’ve always thought Kim was such a pretty person. You know, she’s from Cebu. So, I mean, I guess you could say that.”

At sa diretsahang tanong kung pinopormahan ba niya si Kim, “I don’t think it’s fair that I speak about that without Kim’s permission. So, I’m so sorry. I hope you understand. But Kim’s pretty nice.

Matapos naman ang segment ng “EXpecially For You” noong April 6 ay nag-date agad sina Oliver at Michelle.

Ayon kay Oliver, “Michelle is amazing, elegant, such a well-spoken person, very professional. So, yeah, amazing person.”

So, ano kaya ang truth or charot sa isyung ito? Nagselos o na-bad trip kaya si Michelle dahil after nilang mag-date ni Oliver ay mukhang si Kim pala talaga ang type nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Oh well, abangan na lang natin ang susunod na mga kabanata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending