Michelle sa 1st date nila ng look-alike ni Papa P: Very good!

Michelle Dee sa 1st date nila ng look-alike ni Papa P: It was very good!

Ervin Santiago |April 15,2024
facebook
share this

Michelle Dee sa 1st date nila ng look-alike ni Papa P: It was very good!

Ervin Santiago - April 15, 2024 - 01:00 AM

Michelle Dee sa 1st date nila ng look-alike ni Papa P: It was very good!

Michelle Dee at Oliver Moeller

SA wakas, natuloy din ang pagde-date ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at ng Cebuano lawyer na si Oliver Moeller.

Nag-click agad ang dalawa sa kanilang first date kasabay ng discovery nila sa kanilang common interest sa buhay — ang marine biology.

Baka Bet Mo: Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar

Nagkakilala ang dalawa sa dating search na “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” kung saan si Oliver nga (look-alike ni Piolo Pascual) ang napili ni Michelle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakasama pa ng Kapuso actress-beauty queen ang nanay niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez, na tumulong sa kanya na pumili sa tatlong searchees.

Sa nakaraang episode ng naturang segment, ipinalabas ang maikling video  ng date nina Michelle at Oliver kung saan makikita silang lumalafang together. In fairness, plus pogi points ang ginawang pag-pull ng binata sa chair ni Michelle.

“It was a very good first date,” ang pahayag ni Michelle.

Baka Bet Mo: Alodia, Wil magkaiba ang sagot sa hugot ng architect na nag-design sa kanilang ‘dream house’

“We started talking about tattoos and stories and I realized he has a history in marine biology. Fun fact, that was what I was supposed to become,” chika ng Kapuso star.

Puro papuri rin ang sinabi ni Oliver patungkol sa ka-date na beauty queen,  “Michelle is very intelligent, very easy to talk to. I’d love to get to know her more.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pinasalamatan din ng dalaga si Oliver “for taking the risk” sa isang dating search sa TV, “I think we meet the most amazing people in the most unexpected ways.”

Mensahe naman sa kanya ni Oliver, “Thank you so much for the date, for spending time. You’re a lovely person, I’d love to get to know you more, I do wish you all the best with your career and your lovely family.”

Sa naturang segment, nag-open up si Michelle tungkol sa naging karanasan niya sa kanyang past relationship kung saan inamin niyang naloko na rin siya ng ex-dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, ang hinahanap daw niya sa isang partner ay “masipag, matalino and goal-driven.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending