Janella Salvador nagsalita sa isyung 'binastos' si Kim Chiu

Janella Salvador nagsalita sa isyung ‘binastos’ si Kim Chiu

Therese Arceo |April 05,2024
facebook
share this

Janella Salvador nagsalita sa isyung ‘binastos’ si Kim Chiu

Therese Arceo - April 05, 2024 - 03:48 PM

Janella Salvador nagsalita sa isyung 'binastos' si Kim Chiu

Janella Salvador at Kim Chiu

NAGSALITA na ang aktres na si Janella Salvador ukol sa umano’y “pambabastos” niya sa TV host-actress na si Kim Chiu.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang aktres dahil marami sa mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang naging pagsagot niya kay Kim nang pasampolin niya ito.

Nag-guest kasi si Janella kasama si Win Metawin sa “It’s Showtime” para i-promote ang kanilang pelikulang “Under Parallel Skies” na showing na ngayong April 17.

Sa kanyang pagbisita ay hiniritan siya ng TV host na si Kim Chiu upang mag-sample na siyang nakaugalian nang gawin ng mga artistang dumadalaw sa naturang programa.

Baka Bet Mo: Janella binastos nga ba si Kim sa ‘It’s Showtime’, ayaw magpasampol?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit tumanggi si Janella sa request ni Kim at sinabing, “Paos ako. Kayo na lang” na agad nag-viral sa social media.

Umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens kung saan ang iba ay negatibo ang naging pananaw sa nangyari habang ang iba naman ay ipinagtatanggol siya at sinabing wala namang mali sa kanyang ginawa.

At ngayong araw ay binasag na ni Janella ang katahimikan niya at dinipensahan ang sarili hinggil sa isyu.

Sa kanyang X account ay mababasa ang kanyang pahayag tungkol sa isyu.

“Oh wow. I’ve been meaning to explain myself because the last thing i would ever want is to appear rude or disrespectful,” panimula ni Janella.

Labis nga raw ang kanyang saya dahil marami ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal sa kabula ng isyu.

Sey ni Janella, “[A]nd here i am being met with so much love and comfort upon opening this app. Thank you.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It makes me happy to know that there are many people out there who know my heart and what i stand for.

“Hugs of gratitude (from behind).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending