Janella rumampa sa Asian Film Awards kasama si Win Metawin

Janella rumampa sa Asian Film Awards kasama si Thai actor Win Metawin

Pauline del Rosario |March 11,2024
facebook
share this

Janella rumampa sa Asian Film Awards kasama si Thai actor Win Metawin

Pauline del Rosario - March 11, 2024 - 12:12 PM

Janella rumampa sa Asian Film Awards kasama si Thai actor Win Metawin

PHOTO: Instagram/@starmagicphils

PAK na pak na rumampa sa red carpet ng 2024 Asian Film Awards (AFA) ang Kapamilya actress na si Janella Salvador na ginanap sa Hong Kong.

Dumalo ang aktres sa event bilang ito ang magsisilbing host para sa world premiere ng pagtatambalang movie nila ng Thai actor na si Win Metawin – ang “Under Parallel Skies” mula sa direksyon ni Sigrid Bernardo.

Sa Instagram ng Star Magic, proud nilang ibinandera ang ilang stunning photos ni Janella.

“A cinematic milestone for Janella Salvador at the [sparkle emoji] 17th Asian Film Awards [sparkle emoji] in Hong Kong for the cross-border film ‘Under Parallel Skies’!” caption sa post.

Kasabay niyan ay inanunsyo rin ng talent management arm ng ABS-CBN na ipapalabas ang pelikula ng dalawa sa mga lokal na sinehan sa darating na April 17.

Baka Bet Mo: Janella Salvador ‘di tinutulungan ni Win mag-promote ng movie?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Sa hiwalay na post, ibinida naman ang picture ng aktres kasama ang Thai actor na tila twinning pa sa kanilang black designer clothes. 

“A film collab to remember for Star Magic’s Janella Salvador and Thai actor Win Metawin in ‘Under Parallel Skies’!” wika sa IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

 

Noong nakaraang  buwan lamang nang inilabas ang official teaser ng nabanggit na pelikula.

Mapapanood na iikot ang istorya sa isang Thai bachelor na nagtungo sa Hong Kong upang hanapin ang nawawalang ina, at nakilala nga niya riyan ang isang Pinay hotelier. 

Masasaksihan sa romantic film ang kwento ng pag-ibig at heartbreak ng dalawang tao.

Baka Bet Mo: Herlene Budol nagbitbit ng ‘lucky charm’ nang rumampa sa Bb. Pilipinas 2022: May basbas ‘yan, kaya dinala ko dahil suwerte!

  

Matatandaang si Win ay sumikat sa buong mundo matapos mag-hit ang pinagbibidahang Thai Boy Love (BL) series na “2gether: The Series” noong 2020.

Bukod diyan, naging parte rin siya ng Thai adaptation ng “Boys Over Flowers” noong 2021. 

Si Janella naman ay isa sa mga kilalang aktres sa Philippine showbiz industry na naging parte ng iba’t ibang serye gaya ng “Please Be Careful With My Heart”, “Wildflower”, “The Killer Bride”, at ang latest nga niyang project ay ang “Darna” kung saan gumanap siya bilang Valentina. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang first international project ng dalawa ay unang naging usap-usapan matapos mag-viral sa social media ang pictures nila together noong June 2023.

Makalipas ang isang buwan ay kinumpirma na nga ng production company na 28 Squared Studios na may upcoming project ang bagong love team.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending