Katambal ni Janella na si Win Metawin unang Thai AFA Rising Star awardee
DADALO ang emerging Thai star na si Win Metawin sa gaganaping 17th Asian Film Awards (AFA) sa Hong Kong ngayong Marso.
Siya lang naman ang kauna-unahang Thai na tatanggap ng AFA Rising Star Award.
Iginagawad ang nasabing pagkilala sa mga promising new generation talents na nagpakita ng exceptional breakthroughs and potentials sa Asian cinema.
Kahilera ngayon ni Win ang South Korean actors na sina Park Seo-joon and Lee Soo-hyuk na unang nakatanggap ng nabanggit na parangal.
Nakilala si Win sa kanyang leading role sa television BL (boys love) series na ’2gether: The Series’ at associated film nitong ‘2gether: The Movie’ kasama ang co-star na si Bright Vachirawit. Kinakiligan din siya recently sa ‘F4 Thailand: Boys Over Flowers.’
View this post on Instagram
Bitbit niya papuntang Hong Kong ang pelikulang ‘Under Parallel Skies’ na pagtatambalan nila ng Kapamilya actress na si Janella Salvador.
Ito ang unang pagsasama nina Win at Janella sa big screen at first international film din ng dalawang stars.
BAKA BET MO: Liza Soberano inspirasyon si Dolly de Leon para tuparin ang Hollywood dream
Napanood namin ang teaser ng movie na ini-release noong February 1 at talaga namang makikita mong may chemistry ang dalawa.
Tungkol ang ‘Under Parallel Skies’ sa Thai bachelor (Win) na pumuntang Hong Kong upang hanapin ang nawalay na ina. Dito niya makikilala ang isang Filipino hotelier (Janella) na tutulungan siyang magmahal, masaktan, at mag-heal sa ibayong dagat.
Kabog ang movie dahil kuha ito mismo sa Hong Kong mula June hanggang July 2023. Itinatampok nito ang ilang iconic locations tulad ng Kowloon City at Tai O, at iba pang attractions sa siyudad.
View this post on Instagram
Sey ng direktor ng pelikula na si Direk Sigrid Bernardo, “I am to create a film that cleebrates the unique identities and traditions of each culture while also exploring common themes and experiences that unite us as human beings.”
Si Bernardo ang nasa likod din ng 2017 blockbuster film na “Kita Kita,” “Ang Huling Cha-Cha ni Anita,” at iba pa.
Ipalalabas ang ‘Under Parallel Skies’ sa April 2024 exclusively in cinemas. Produced by Richard Juan and Kristhoff Cagape ng 28 Squared Studios & Two Infinity Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.