Rendon Labador may paalala sa mga 'pangit' na mayayabang | Bandera

Rendon Labador may paalala sa mga ‘pangit’ na mayayabang

Therese Arceo |December 06,2023
facebook
share this

Rendon Labador may paalala sa mga ‘pangit’ na mayayabang

Therese Arceo - December 06, 2023 - 06:02 PM

Rendon Labador may paalala sa mga 'pangit' na mayayabang

Rendon Labador

MAY paalala ang social media personality na si Rendon Labador para sa mga umano’y “pangit” na mayayabang.

Sa inilabas nitong My Day sa Facebook noong Lunes, December 4, ay pinatutsadahan niya ang mga “pangit”.

“Reminder: Kung alam mong pangit ka, huwag ka na magyabang,” saad Rendon.

Dagdag pa niya, “Kahit anong galing mo, kung pangit ka talaga, pangit ka.”

Giit pa ni Rendon, dapat raw ay kung “pangit” ang isang tao ay dapat maging mabait ito.

“Dapat ang mga pangit mababait lang. Kasi kung pangit na nga kayo tapos mayabang pa, wala na matitira sa pagkatao ninyo,” pagpapatuloy niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nilinaw naman ni Rendon na payo lang naman ito at sana’y huwag raw masamain.

Aware naman ang lahat na isa sa mga dahilan kung bakit nakilala ang personality ay dahil sa kanyang pambabatikos o pagpunacsa mga celebrities gaya ba lang ng ginawa nito kina Coco Martin, Vice Ganda, at marami pang iba.

Noong July lang rin nang batikusin ni Rendon ang kilalang social media influencer at vlogger na si Mimiyuuuh matapos nitong magbigay ng kanyang saloobin ukol sa pakikipag-date.

Ikinuwento kasi noon ni Mimiyuuuh ang kanyang naging experience kung saan nakipag-date siya sa isang taong walang pera na siyang binigyang komento ni Rendon.

Ani Mimiyuuuh, “Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nag-jowa ka ng walang pera. Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera… I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date kang walang pera. So next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera.”

Sagot naman ni Rendon, “Kung pangit ka ikaw talaga taga bayad. Unfair ‘yun kung pangit ka na nga tapos ililibre ka pa? Baka smpal*n kita.”

Dagdag pa niya, “Ganoon talaga ‘yung buhay. Pangit ka na nga gusto mo pa ilibre ka?! Ang kapal naman ng mukha mo,” dagdag pa niya.

Well, wala namang sinabi si Mimiyuuuh na para magpalibre ang dahilan kaya iwasan ang makipag-date sa walang pera na siyang tinutumbok ni Rendon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paglilinaw niya sa isang video, “Mag-date kayo ng someone na may drive, mag-date kayo ng someone na kayang dalhin yung sarili… yung hindi mangungutang sa inyo, ‘yon lang po ‘yon! Period!”

Marami nga sa mga netizens ang nagtanggol kay Mimiyuuuh at sinabing kung pangit si Mimiyuuh ay ano ang dapat itawag kay Rendon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending