Kuwintas ni Marian sa Dyesebel ibinenta, magkano binili ni Boss Toyo?
HULAAN n’yo kung magkano naibenta kay Boss Toyo ang kuwintas na ginamit ni Marian Rivera sa TV remake ng classic fantasy-romance movie na “Dyesebel“?
Ipinalabas sa GMA 7 ang iconic mermaid series na “Dyesebel” na pinagbidahan nga ng bagong Box-Office Queen noong 2008 kung saan nakatambal niya ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Nagsimula ang kuwento ni Dyesebel sa komiks mula sa malikhaing imahinasyon ng sikat na nobelista na si Mars Ravelo hanggang sa gawin na itong pelikula.
View this post on Instagram
Ilan sa mga bumida sa mga movie version nito ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, Alice Dixson at Charlene Gonzales.
Baka Bet Mo: Heart hugot na hugot sa ibig sabihin ng suot na kuwintas: ‘Maraming ahas sa mundo’
Sa teleserye naman, bukod kay Marian, gumanap ding Dyesebel sa isa pang TV remake nito ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis.
Sa YouTube vlog ni Boss Toyo na “Pinoy Pawnstars”, ipinakita ang pagbebenta ng kuwintas na ginamit ni Marian sa “Dyesebel” ng nagpakilalang apo ng dating production staff ng GMA 7.
Ayon sa mga ito na parehong taga-Caloocan City, nagbakasakali lamang silang ibenta ang kuwintas kay Boss Toyo.
Chika ng nagbenta, unang nagtrabaho sa ABS-CBN ang kanyang lolo pero lumipat sa GMA kung saan ito nagtrabaho bilang production staff.
View this post on Instagram
Pagbabahagi pa ng apo ng dating staff ng GMA, hindi raw talaga basta-basta pinapayagan ang production people na mang-arbor ng mga props sa mga TV show noon.
Baka Bet Mo: Atasha Muhlach game na game lumangoy sa remake ng ‘Dyesebel’: ‘I used to think that my mom was a mermaid’
Pero sey daw ng kanyang lolo, humingi ito ng pahintulot sa mga namamahala sa mga props ng “Dyesebel” na maiuwi ang kuwintas ni Marian sa show.
Nang makita raw ni Boss Toyo ang kuwintas, agad niyang tinawagan at kinausap ang Kapuso host-comedian na si Buboy Villar na gumanap na sidekick noon ni Marian sa “Dyesebel.”
Tinanong ng collector at content creator si Buboy kilala nita ang mga nagbebenta o ang lolo ng mga ito. Nakumbinsi naman si Boss Toyo na legit ang ibinebenta sa kanya.
Ang unang halagang hiningi kay Boss Toyo ng nagbebenta ay P40,000 hanggang sa maging P20,000. Nang tumawad ang collector, nagkasarahan sila sa P17,500.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.