Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga

Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga: Tigas ng mukha mo bro

Ervin Santiago |January 10,2024
facebook
share this

Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga: Tigas ng mukha mo bro

Ervin Santiago - January 10, 2024 - 12:07 PM

Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga: Tigas ng muka mo, bro

Diego Loyzaga at Rendon Labador

TINIRA-TIRA ng social media personality na si Rendon Labador ang aktor na si Diego Loyzaga matapos ang nakakalokang rebelasyon ng kanyang partner.

Nasa headline na naman ng mga dyaryo at entertainment websites at vlogs si Diego dahil sa mga akusasyon ng isang babaeng nagngangalang Alexis Suapengco.

Ito araw ang nanay ng kanyang anak na si Hailey na nagsabing pinalayas daw siya ng aktor sa bahay nito kasama ang kanilang anak. Ibang babae umano ang dahilan ng lahat.

“SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over,” ang nakasaad sa text caption ng Instagram Story ni Alexis.

Dagdag pa ni Alexis, binantaan pa umano siya ni Diego na kapag hindi siya huminto sa pagsasalita at pag-iingay sa social media ay ihihinto nito ang sustento sa kanilang anak.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw

“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw (may clapping hands emojis) ok boy bye,” sabi pa ni Alexis.


Kasunod nito, nag-post si Diego sa kanyang Instagram story ng isang litrato na may nakasulat na “Trouble in Paradise” na tila may konek sa mga rebelasyon ng kanyang karelasyon.

Sa isa pang IG post ni Diego na burado na ngayon, sinabi nitong wala siyang dinidenay o kinumumpirma sa mga isyung ibinabato sa kanya.

Baka Bet Mo: Alden napatunayang marami pa ring tapat na Pinoy: ‘Mabuhay ka Kuya Alexis! Sana marami pang tao ang tumulad sa ‘yo!’

“Petty for me to come on to social media for this,” ang nakasaad sa IG story ng aktor.

“Again, not denying anything else. But my baby will be taken care of definitely,” ang sabi pa ni Diego.

Kasunod nito, nakisawsaw na nga si Rendon Labador tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Diego. Sa isang  Facebook entertainment page, nagkomento ang binata at matapang na binanatan ang aktor.

“Pa chix chix ka pang nalalaman tapos wala ka palang pang check in?

“Mambababae ka na nga lang nang istorbo ka pa?! Tigas ng muka mo bro,” ang comment ng social media influencer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay hindi pa lantarang nagsasalita si Diego hinggil sa issue. Wala na ring bagong rebelasyon si Alexis. Bukas ang BANDERA sa panig ng dalawang kampong sangkot sa iskandalong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending