Diego rumesbak sa ina ng anak, nangakong di pababayaan si baby

Diego rumesbak sa ina ng anak, nangakong hindi pababayaan ang baby

Ervin Santiago |January 10,2024
facebook
share this

Diego rumesbak sa ina ng anak, nangakong hindi pababayaan ang baby

Ervin Santiago - January 10, 2024 - 10:19 AM

Diego rumesbak sa ina ng anak, nangakong hindi pababayaan ang baby

Diego Loyzaga kasama ang anak

SINAGOT ng aktor na si Diego Loyzaga ang mga akusasyon ng nanay ng kanyang anak na hot topic ngayon sa social media.

Viral at trending ang pasabog ng isang nagngangalang “Alexis Suapengco” tungkol sa ginawang pagpapalayas umano sa kanya ni Diego at sa kanilang anak na si Hailey.

Last year, ibinandera ni Diego ang katotohanang isa na siyang tatay sa pamamagitan ng mga ipinost niyang litrato kasama ang kanyang anak. Pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol dito at kung sino ang nanay ng bata.

At nito ngang nagdaang araw, biglang lumantad ang babaeng nagpakilalang karelasyon ni Diego kung saan inakusahan nga niya ang aktor ng pagpapalayas sa kanilang mag-ina.

“SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over,” ang text caption ni Alexis sa kanyang social media post.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga binalaan ni Cristy Fermin matapos umurong sa 2 interview: ‘Bakit ka natakot, bakit ka naduwag?’

Dagdag pa ni Alexis, binantaan pa umano siya ni Diego na kapag hindi siya huminto sa pagsasalita at pag-iingay sa social media ay ihihinto nito ang sustento sa kanilang anak.

“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw (may clapping hands emojis) ok boy bye,” ang sabi pa ni Alexis.

Kasunod nito, nag-post si Diego sa kanyang Instagram story ng isang litrato na may nakasulat na “Trouble in Paradise” na tila may konek sa mga rebelasyon ng kanyang karelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


Sa isa pang IG post ni Diego na burado na ngayon, sinabi nitong wala siyang dinidenay o kinumumpirma sa mga isyung ibinabato sa kanya.

“Petty for me to come on to social media for this,” ang nakasaad sa IG story ng aktor.

“Again, not denying anything else. But my baby will be taken care of definitely,” ang sabi pa ni Diego.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw

Iba’t iba ang reaksyon ng netizens sa bagong kontrobersyang kinasasangkutan ni Diego, may kumampi sa kanya pero meron ding nang-okay.

“Grabe naman sya oh! Pati anak pinalayas? Anong klaseng tatay yan?!”

“Funny How u hated ur father so much only to turn out to be like him.”

“Lahat talaga ng lalaki, pare pareho.”

“Mana mana lang yan..hays akala q iba pareho rin pla..kung ganyan ang guy naku broken family prin ang sasapitin ng mundo.”

“Pano mo to lulusutan BOY? SOS!”

“The apple doesn’t fall far from the tree.”

“Like father like son.”

“How true na pinalayas niya yung mag-ina niya dahil may bago siyang girlaloo?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Diego sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending