Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw | Bandera

Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw

Therese Arceo |January 27,2023
facebook
share this

Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw

Therese Arceo - January 27, 2023 - 06:25 PM

Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw
AMINADO ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na talagang nasaktan siya sa mga akusasyon sa kanya sa social media.

Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ng aktres sa kanyang vlog na inanyayahan niya ang kanyang mga kapitbahay na Aetas kung saan ipinaghanda nila ito ng home-cooked meals.

May mga netizens ang tumaas ang kilay sa ginawang ito ni Bea at may isang netizen nga na nagsabing ibalik na raw niya sa mga ito ang lupang na para sa mga Aetas.

Agad ngang nag-react ang abogado ng aktres patungkol rito at nilinaw na walang “land grabbing” o pagnanakaw ng lupa na naganap. Binalaan rin nito ang netizen na nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

At sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay sinabi ng aktres na talagang nasaktan siya sa mga nangyari.

“I feel really hurt and upset, Tito Boy. Because you know me, you’ve known me for years, you can call me a lot of things, but hindi ako magnanakaw,” saad ni Bea.

Dagdag pa niya, “At hinding-hindi ko gagawin yon sa mga kapitbahay kong Aetas, because I truly care about them.”

Sinabi rin ni Bea na kinakailangan talaga nila itong sagutin at linawin dahil masyado raw mabigat ang ibinibintang ng netizen sa kanya.

“You know it’s really… masyado siyang mabigat na akusasyon. That’s the reason why we had to address it because we are fed misinformation every single day.

“Hindi natin maiiwasan na may bashers, but this kind of accusation is different that’s why we need to address it right away,” sey ni Bea.

Amin pa niya, matagal na niyang nabili ang lupang iyon at ilang taon niya itong pinagtrabahuhan kaya talagang nasasaktan siya sa sinabi ng netizen.

“Binili namin ‘yung farm, ‘yung property na ‘yun 11 years ago. Pinagtrabahuhan ko ‘yun. Binigay ko ‘yun sa nanay ko. Ilang tapings ‘yung iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganyan. It’s something really sensitive to me because ‘yung ang binigay ko sa pamilya ko at sa nanay ko,” lahad pa ni Bea.

Related Chika:
Abogado ni Bea nagbantang idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa farm ng aktres sa Zambales

Bea Alonzo may ‘short but sweet’ bday message sa ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo napa-’senti’ mode tungkol sa buhay, netizens naka-relate: ‘You inspire a lot of people’

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending