Bea Alonzo may 'short but sweet' bday message sa ina | Bandera

Bea Alonzo may ‘short but sweet’ bday message sa ina

Pauline del Rosario |November 19,2022
facebook
share this

Bea Alonzo may ‘short but sweet’ bday message sa ina

Pauline del Rosario - November 19, 2022 - 05:54 PM
Bea Alonzo may 'short but sweet' bday message sa ina

PHOTO: Instagram/@beaalonzo

ISANG short but sweet na mensahe ang ibinandera ng aktres na si Bea Alonzo sa ika-55th birthday ng kanyang ina na si Mary Anne Ranollo.

Sa instagram, ibinahagi ni Bea ang isang litrato at video ng kanyang ina kalakip ang mensaheng, “Happy birthday to my bestfriend! You are amazing! I love you Ma!! (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Makikita rin sa comment section ang mga pagbati ng ilang celebrities gaya nina Angelica Panganiban, Yasmien Kurdi, John Valle Rodjun Cruz, at marami pang iba.

Kamakailan lamang ay nag-post ang aktres na isinama niya sa Madrid, Spain ang kanyang ina, pati narin ang kanyang step dad.

Bukod sa pamamasyal ay ipinakita niya rin ang biniling apartment na para sa kanyang nanay.

Ang caption pa ni Bea, “Madam M goes to SPAIN!!! I showed her our new apartment, and we gave her a tour of Madrid and made some side trips! Sobrang saya!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

As of now ay wala pang balita kung nakapamili na ang mag-ina sa mga gamit nila sa bahay.

Matatandaan noong Mayo lamang nang kunimpirma ni Bea na naghahanap siya ng bibilhing Apartment sa Spain kaya siya pabalik-balik doon.

Ipinasilip pa niya ito sa kanyang YouTube vlog at sinabi niya na naisipan niya ito dahil na-realize niya nitong pandemya na “you only live once.”

Nakwento rin niya na last year pa siyang tumitingin ng apartment sa Madrid.

Nag-umpisa raw muna siya sa internet hanggang sa pinuntahan na niya ito.

At alam niyo bang anim na apartment ang sinilip ni Bea sa Madrid para makita ang kanyang dream home.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

Bea Alonzo grateful sa GMA Network: Cheers to more exciting projects together!

Lolit Solis feeling sad na tawaging bully sa ‘lover’s quarrel’ nila ni Bea Alonzo: I am very sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending