Alden napatunayang marami pa ring tapat na Pinoy: 'Mabuhay ka Kuya Alexis! Sana marami pang tao ang tumulad sa 'yo!' | Bandera

Alden napatunayang marami pa ring tapat na Pinoy: ‘Mabuhay ka Kuya Alexis! Sana marami pang tao ang tumulad sa ‘yo!’

Ervin Santiago |November 08,2023
facebook
share this

Alden napatunayang marami pa ring tapat na Pinoy: ‘Mabuhay ka Kuya Alexis! Sana marami pang tao ang tumulad sa ‘yo!’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 04:57 PM

Alden napatunayang marami pa ring tapat na Pinoy: 'Mabuhay ka Kuya Alexis! Sana marami pang tao ang tumulad sa 'yo!'

Alexis Verdejolo Ohno at Alden Richards

NAPATUNAYAN ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na may mga tao pa ring tapat sa mundo na karapat-dapat bigyan ng special shoutout.

Sa kanyang official Facebook page, naichika ng award-winning Kapuso actor at TV host ang nangyari sa kanyang pinsan kamakailan.

Ito’y may konek sa pagkawala ng cellphone ng kanyang pinsan sa gym kung saan siya regular na nagwo-workout.

Ipinost ni Alden ang litrato nila ng lalaking nagngangalang Alexis Verdejolo Ohno kalakip ang pasasalamat niya rito matapos ibalik ang napulot nitong cellphone na pag-aari ng pinsan niya.

“Disclaimer: Again… I don’t usually do this but this person deserves to be seen,” ang simulang caption ni Alden sa kanyang FB post.

Baka Bet Mo: Ina Raymundo may pa-shoutout sa tapat na taxi driver: ‘Pinaganda mo ang pagpasok ng 2023 namin!’

Kuwento niya, “This morning, pagdating ko sa gym nalaman ko na nawawala yung phone ng pinsan ko thru Kuya Den (caretaker ng gym where I work out).

“Since my cousin and I don’t have any means of communication, agad agad ginawa ko lahat ng way para matrace ko yung cellphone niya,” ang pagbabahagi ng Kapuso superstar.

“To cut the story short, I had a call from an unknown number, not knowing kung sino yun, sinagot ko. Nagulat ako na siya pala yung service driver na nasakyan ng pinsan ko going to the gym.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ako nagpakilala kung sino ako, pero nag-effort siya nung sinabi ko kung pwede ko bang makuha yung phone.

“Without thinking twice, from Bulacan bumiyahe siya papuntang Podium, dahil meron akong screenings for 5 breakups and a romance,” ang lahad pa ng binata.

“Kaya sa ‘yo Kuya Alexis Verdejolo Ohno, Mabuhay ka! Sana marami pang tao ang tumulad sayo. Maraming maraming salamat!” ang huling bahagi ng mensahe ni Alden.

Baka Bet Mo: Gigi de Lana ninakawan na nga ng cellphone sa Dubai pinag-isipan pa ng masama

Pinusuan naman ito ng mga FB followers ni Alden at pinuri ang pagiging tapat at ang kabutihan ni Kuya Alexis. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Wow! Panalo. And rewards narin na makita at ma flex ng isang Alden Richards.”

“Sana marami pang katulad ninyo very honest i salute you sir godbless.”

“Honesty is the best policy! Nagpapakita Ito kung anong uri ng pagkatao mayronn ang isang nilalang.”

“Good breeding Kuya Alex Ohno !! GOD BLESS you.”

“I remember 3x nko nkapulot ng cellphone binalik ko lahat sobrang nakakataba ng puso makita mo ung tao na walan at nbalik sakanila ang cellphone Nila. Pero ako 2 beses na nawalan never naman nabalik sakin ang cellphone ko hehehe. Sana lahat ng tao gnyan.”

“Good job Kuya! Sana marami Pangasinan (sic) katulad mo.”

“Yeheey. Thank you for being Honest even if others are NOT! God bless!”

“Wow papa Alexis Ohno sikat kna. Pogi na mabait pa, salute sayo, pa autograph ah pag bumaba ka ng qc chapter, painum kna din at mag rank game tayo sa ml.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Good job kuya. God bless you always. isang patunay na marami pa rin ang mabuting tao sa mundo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending