Gigi de Lana ninakawan na nga ng cellphone sa Dubai pinag-isipan pa ng masama | Bandera

Gigi de Lana ninakawan na nga ng cellphone sa Dubai pinag-isipan pa ng masama

Ervin Santiago |March 17,2022
facebook
share this

Gigi de Lana ninakawan na nga ng cellphone sa Dubai pinag-isipan pa ng masama

Ervin Santiago - March 17, 2022 - 01:07 PM

Gigi de Lana

Gigi de Lana

NANAKAWAN ng cellphone ang Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana habang nagpe-perform sa Expo 2020 Dubai kamakailan lamang.

Matapos nga ang matagumpay na concert ng The Gigi Vibes band na ginanap last March 12 sa Expo 2020 Dubai, ibinalita ng dalaga ang masaklap na pangyayari.

Nag-post si Gigi sa Facebook kahapon, March 16, at ikinuwento nga sa kanyang mga fans at social media followers ang ilang detalye kung ano ang nangyari sa kanyang cellphone.

Napilitan nang mag-post si Gigi tungkol dito dahil kung anu-ano na raw ang nababasa niya sa socmed na wala namang katotohanan.

“Okay po ulitin ko post ko. dami kasi nag cocomment na parang mas alam nila nangyari. Nawala phone ko. and di binalik.

“I tried to locate my iPhone through find my iPhone (app). and wala dinala na talaga. and nagpahelp na din ako dito sa Dubai.

“Don’t worry naka mark as lost phone so di niya din mabuksan yun,” paliwanag ng singer.

Sinagot din ng dalaga ang ilang netizens na nagsasabing kaya raw nag-post pa siya sa FB ay upang maiparating ito sa kanyang fans para nga naman bigyan o regaluhan siya ng bago.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Inamin ni Gigi na totoong wala pa siyang planong bumili ng bagong cellphone dahil wala ito sa budget niya. Ibinahagi rin niya sa madlang pipol ang mga hate message ng ilang bashers.

“Ito mga comments sa post — ‘bili ka bago’ sabi nila ‘wala ka pambili bago?’ sabi ng iba. ‘hintayin ko link.’ (anes?!) ‘nanghihingi ka ba.’ ‘post na parang nang aano.’

“Yung post kasi na yun para lang gumaan yung loob ba. parang ginawa ko na biro. kasi aminin niyo mahirap mawalan ng phone.

“Una po sa lahat bago ako bumili ng brand new phone, mas uunahin ko medical bills ng mom ko and iba pang pambayad ng bills.

“Parang kayo din. Ganun din kayo ‘di ba? unless talagang wala na kayo mapag gastusan sa pera niyo,” paliwanag pa ni Gigi.

Kasalukuyang nasa Middle East si Gigi kasama ang kanyang banda para sa una nilang international tour, ang “The Gigi Vibes Domination Middle East Tour.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula nga ito sa Dubai nitong nagdaang linggo at ang susunod nilang show ay magaganap bukas,  March 18 sa National Theatre of Abu Dhabi at sa March 25 sa Crowne Plaza Bahrain.

RELATED CHIKA:
Gigi De Lana inspirasyon ang ina kaya nagsusumikap: Siya na lang po ang mayroon ako
Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan
Ilang miyembro ng Ben&Ben nag-positive rin sa COVID-19, concert sa Dubai hindi na muna itutuloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending