Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun? | Bandera

Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun?

Ervin Santiago - November 07, 2023 - 06:45 AM

Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun?

Alden Richards

SA mga naging pahayag ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards mukhang matatagalan pa nga bago siya magkaroon ng sariling pamilya.

Kung pagbabasihan ang naging takbo ng usapan nila ng Kapamilya broadcast journalist na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, tila wala pa talaga sa priority ni Alden ang magpakasal at magkaanak.

Sa panayam ni Bernadette sa Kapuso actor at TV host para sa kanyang YouTube channel, isa sa mga naitanong kung ano na ang plano ng Pambansang Bae pagdating sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

“Ano na’ng plano mo? Ako parang nanghinayang ako na late ako nag-start hindi na kami nagkaanak. So ‘yun ‘yung pinanggagalingan ko. Is it a priority now?” ang tanong ni Bernadette.

Sagot ni Alden, “Settling down and starting a family is a choice. 31 years old na po ako at the moment.

Baka Bet Mo: Pekeng nude photo ni Alden pinagpiyestahan; Sparkle talent center binantaan ang nagpakalat ng litrato

“Of course there are a lot of opportunities right now na nakikita ko ngayon because I’ve been venturing into different fields of businesses,” pahayag ni Alden.

Patuloy pa ng binata, “I’m not a fan of deadline po kasi, e. Like ‘yung siyempre by this age ganito ka na, by this age ganito ka na.”

Sabi naman ni Bernadette, “It’s not your priority but you would want?”

“Of course, it’s everyone’s dream,” sagot sa kanya ni Alden.

Pag-amin pa ng binata, kapag daw may mga parents na kasama ang kanilang mga baby na nagpapa-picture sa kanya ay hindi niya maiwasang isipin na anak niya rin ang mga ito.

At sa question kung may hinahanap pa ba si Alden na mga qualities sa isang babae, wala na raw. Basta ang mahalaga sa kanya ay ang capital “U” o “understanding.”

Samantala, inamin din ng Asia’s Multimedia Star na may isang bagay talaga na kinaaadikan niya.

“7 years old pa lang po ako gamer na ako. So, dumating talaga sa time na ‘yung hindi ako kumakain sa school para maipon ko ‘yung baon ko para may ipambayad ako sa computer shop.

“I was not guided properly on that matter. Of course, siyempre ‘yung parents ko ano ba namang alam nila?

Baka Bet Mo: Sharon, Alden tuloy na ang bonggang project, gaganap na mag-ina sa pelikula: ‘Thank you, Lord! Super excited’

“So, parang in that sense naging negative ‘yung effect niya to my family. Kasi brother ko po, gamer din, e. Dalawa kami,” kuwento ng aktor.

Rebelasyon pa niya, umabot din siya sa punto na nagkakasakit na dahil hindi na siya nakakakain nang tama. Nabago lang daw ang lahat ng mamatay ang kanyang nanay.

“That was a wake up call for all of us. We have to take responsibility now. It doesn’t matter how old we are o how young we are during that time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Everything in excess is bad. I have a lot of bad experiences growing up when it comes to gaming but still it’s a part of me. That’s my outlet,” paalala pa ni Alden na patuloy na isinusulong ang kanyang adbokasiya na “positive gaming encouragement”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending