Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa 'About Us but Not About Us': I realized how good the piece was | Bandera

Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa ‘About Us but Not About Us’: I realized how good the piece was

Reggee Bonoan - March 17, 2023 - 07:40 PM

Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa 'About Us but Not About Us': I realized how good the piece was

ISA kami sa may agam-agam bago panoorin ang pelikulang  “About Us but Not About Us” nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta mula sa direksyon ni Jun Robles Lana na entry sa 1st Summer Metro Manila Film Festival simula sa April 8-18, 2023.

Dahil nga dalawa lang ang karakter sa “About Us but Not About Us” na sa buong pelikula ay nakaupo at nag-uusap lang. Base ito sa mga naririnig na usapan sa mga dinaluhan naming showbiz events.

Komento nga namin, ‘hindi kaya makatulog ang manonood? O kaya hindi tatapusin ang pelikula?’

Bukod dito ay nasanay kami sa mga pelikulang nagawa na ni direk Jun na maraming nangyayari at malalaki ang galawan at higit sa dalawa ang karakter.

Kaya inisip namin bago kami pumasok sa Gateway Cinema 8 kung saan ginawa ang special screening ng pelikulang prinodyus ng IdeaFirst Company, Quantum Films at Octobertrain Films ay magbabaon kami ng chips to keep us awake.

Pero hindi na kailangan ng chips dahil gising na gising kami dahil na-intriga kami sa kuwento ng mga karakter nina Romnick bilang si Eric at Elijah as Lancelot.

Panay ang bulong ng katabi naming nanonood na kuwento raw ito ng buhay ni direk Jun na nangyari noong kabataan niya.

Kuwento ng gay professor (Romnick) na attracted sa gay student (Elijah) niya pero hindi to the point na gusto niyang makarelasyon o may mangyaring sekswal dahil may boyfriend naman ang una named Marcus pero hindi kasama sa pelikula dahil nagpakatiwakal ito.

May sama ng loob daw si Marcus dahil bakit may Lancelot sa pagitan nila ni Eric at doon na nalamang na-fall out of love romantically ang huli sa una, pero hindi ibig sabihin ay hindi na niya ito mahal… mahal pa rin niya bilang matalik na kaibigan.

Mabait ang karakter ni Elijah at sunud-sunuran siya sa mga payo ni Romnick bilang teacher na concerned sa kanya dahil nga wala na itong magulang at nakikitira lang siya sa tiyahin niya.

Kaya sa awa ay pinatira ni Rom si Elijah sa condo unit niya na wala namang nakatira at araw-araw niyang dinadalhan ng apple pie para sabay silang mag-agahan.

Hanggang sa pag-uusap ay unti-unting nare-reveal ang pagkatao ng karakter ni Elijah na marami palang nangyari sa kanya na minolestiya siya noong bata pa, maagang nagising sa mundo ng sex at para may pangtustos sa pag-aaral at pambili ng kailangan ay nagawa niyang ibenta ang sarili through sex video sa online bagay na ikinagulat ni Romnick.

Pangarap ni Lancelot na maging manunulat tulad nina Eric at Marcus kaya isa rin sa plano niyang kaibiganin ang dalawa at dito nalamang may hidden agenda siya at iba pa.

Ang ganda ng flow ng pag-uusap nang dalawang karakter na hindi ka talaga aantukin dahil inaabangan moa ng next na sasabihin ng isa’t isa lalo na ang karakter ni Elijah na maraming dinaanan noong kabataan niya.

Baka Bet Mo: Romnick Sarmenta todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako

Nasulat ni direk Jun ang script ng “About Us but Not About Us” sa kasagsagan ng pandemya at sumabay pa na naghiwalay sila ng partner niyang producer/director na si Perci M. Intalan.

Anyway, marami ring nagulat na tinanggap ni Romnick ang karakter bilang gay kaya natanong siya sa mediacon pagkatapos ng screening.

“They told me they wanted to do a project with two actors in a single location. Then I was advised, ‘Read the script.’ So I started reading.

“I finished the first read-through. I wanted to read it in a way that everything was fresh for me. I don’t preempt what the character would say. So I was going along for the ride while we were doing the first read,” ani Romnick.

“There were some parts there that I didn’t expect and I caught myself getting teary-eyed reading some of the lines. I realized how good the piece was.

“Maganda siyang sabayan. As I was reading it, in the first few pages, I get affected already. Maganda ang takbo ng story, ‘yung flow, ‘yung kwento, ‘yung batuhan ng lines,” dagdag pa ni Romnick.

Nabanggit rin daw sa kanya ang patungkol sa kanyang karakter sa pelikula.

Kuwento ni Romnick, “I was told that my character was a professor and he’s gay. He gets caught up in this weird situation. But they didn’t tell me how the story was going to progress. I guess that helped.

“The setting of the story is conversational. In a conversation, you usually don’t know what the person you’re talking to would say. Tatanggapin mo lang kung ano ang ibabato sa ‘yo, then try to react and respond.”

Isa pang ikinaganda ng pelikula ay parehong kumportable sina Romnick at Elijah sa pagsasalita ng English, well delivered.

“The way I understood my character, sometimes you want to do the right thing. You want to be helpful.

“You want to be a human being, but you get taken advantaged of like what happened to Eric. You get caught up in situations that every human being will find themselves in,” sey ni Romnick.

“You are either unable to express yourself fully or you are able to express yourself fully but is misunderstood. You also have moments when you have an agenda, but you can’t admit it to yourself,” pahayag ng aktor na halos apat na dekada na sa showbiz.

Samantala, sa edad na 50 ay walang kupas pa rin si Romnick dahil guwapo pa rin at iyong mga may crush sa kanya noong kabataan niya ay nandidiyan pa rin tulad ng isa sa kasamahan namin sa trabaho ay 5 years old palang daw siya ay crush na niya ang aktor at nag-iiyak siya kapag hindi siya isinasama ng yaya niyang mahilig manood ng That’s Entertainment noon sa Broadway Centrum kung saan malapit lang ang bahay nila.

Kaya naman nang maka-face-to-face niya si Romnick pagkatapos ng screening ay ilang beses siyang nagpa-picture.

At inamin din ni Elijah na crush na crush ng Mommy Lyn Canlas niya noon si Romnick at nagpa-picture rin kaya tuwang-tuwa raw ng malamang magka-trabaho sila sa “About Us but Not About Us”.

Hindi lang namin napansin kung dumalo ang magulang ni Elijah sa nakaraang screening para sana pormal na niyang ipakilala ang ina sa kuya Romnick niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Romnick Sarmenta, Elijah Canlas pinalakpakan sa special screening ng 1st Summer MMFF entry na ‘About Us But Not About Us’, parehong pang-best actor ang aktingan

Romnick Sarmenta nasasaktan para sa kapwa-artistang binabastos sa socmed: ‘Ang dali sa inyong manghusga ng mga tao sa trabahong ‘to’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending