Romnick nasasaktan para sa kapwa-artistang binabastos sa socmed: 'Ang dali sa inyong manghusga ng mga tao sa trabahong ‘to' | Bandera

Romnick nasasaktan para sa kapwa-artistang binabastos sa socmed: ‘Ang dali sa inyong manghusga ng mga tao sa trabahong ‘to’

Ervin Santiago - October 23, 2022 - 08:40 AM

Romnick nasasaktan para sa kapwa-artistang binabastos sa socmed: 'Ang dali sa inyong manghusga ng mga tao sa trabahong ‘to'

Romnick Sarmenta

NAHE-HURT at naaapektuhan din ang Kapamilya actor na si Romnick Sarmenta kapag nakakabasa at nakakarinig siya ng mga hate comments tungkol sa mga kasamahan niya sa showbiz.

Nakaka-relate raw si Romnick sa mga artistang bina-bash at binabastos ng mga netizens sa social media dahil na-experience rin niya ito nang maraming beses.

Sa loob ng 45 years ng aktor sa mundo ng showbiz, kung saan nagsimula siya bilang child star, may mga pagkakataon din na nalalagay din siya sa mga intriga at kontrobersiya.

Pero ayon sa celebrity dad, bahagi na talaga ng buhay at career ng mga nagtatrabaho sa entertainment industry ang tsismis pero nasa artista na raw kung paano niya ito iha-handle.

Para kay Romnick, buhay na niya ang pag-arte at hindi lang basta trabaho. Tandang-tanda pa raw niya ang naging chikahan nila ni Gelli de Belen na kasama niya ngayon sa Kapamilya hit series na “2 Good 2 Be True.”

“Hindi nga namin alam na artista kami noong mga bata kami, akala namin parte ng buhay namin iyon, para kasing normal ng pagpasok sa eskuwela.

“The fact na nababayaran kami sa trabaho just told us na, ‘Uy, trabaho pala ‘to.’ Noong lumalaki kami, nakasanayan mo na at natutunan mong mahalin ang trabaho mo, na hindi mo na tinitingnan kung gaano kalaki aabutin o gaano katagal. Ini-enjoy mo lang siya habang nandiyan siya,” pahayag ni Romnick sa panayam ng ABS-CBN.

Ilang beses nang “nagpahinga” sa showbiz ang dating asawa ni Harlene Bautista para mag-focus sa pamilya at sa negosyo, “Pero tinawag ako ulit.”

“What’s a blessing now is I get to enjoy looking at this work again in a different way. Sa ibang tao, ‘showbiz ‘yan.’ Sa inyo. Pero sa amin, parte ‘to ng buhay namin.

“Ito ang alam namin. If you put me in any other work, siguro I would feel like fish out of water. Puwede kong pag-aralan, pero hindi siya kasing natural para sa akin katulad nito,” sabi ng 50-anyos na aktor na may limang anak kay Harlene at isang 1-year-old sa partner niya ngayong si Barbara Ruaro.

Aniya pa, “Salamat sa Diyos na nandito pa rin kami. Kung gaano katagal pa siya abutin, salamat ulit.”

Samantala, tungkol naman sa mga intriga at kontrobersya, “Dapat kaya mong timplahin ano ‘yung mga bagay na makakaapekto sa ‘yo, ano ‘yung mga bagay na ipaglalaban mo, ano ‘yung mga bagay na kaya mong palampasin. This has got to be one of the most misunderstood professions. Ano ba ang pagkakaiba ng public figure sa public property?

“Ako, personally, nasasaktan ako para sa actors and actresses who get bashed by people who don’t know them, because I’ve also felt that before.

“Ang dali para sa inyo magsalita, ang dali para sa inyo na magsabi ng mga palagay niyo at manghusga ng mga ginagawa o akala niyong ginagawa ng mga tao sa trabahong ‘to, without understanding them or without knowing the entire truth of their story,” lahad ng award-winning actor.

“This day and age, people are just so abrasive with words, dahil nakatago sila sa likod ng keyboard, ng gadget, ng screen at wala silang presence o personality na kilala ng madla.

“So you have to know, sino ba ang pakikinggan ko? Ano ba ako? Sino ba ako? Kapag na-figure out mo ang sagot sa mga ‘yun, I think you have a better chance of enjoying this work and staying here a little bit longer,” pahayag ni Romnick na siyang gumaganap na tatay ni Daniel Padilla sa “2 Good 2 Be True.”

Romnick Sarmenta nagpasaring sa taong ginagawang excuse ang ‘art’ sa pagbabago ng katotohanan

Romnick todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Romnick Sarmenta umalma sa boluntaryong paggamit ng face mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending