Romnick Sarmenta nagpasaring sa taong ginagawang excuse ang ‘art’ sa pagbabago ng katotohanan
MAY patutsada ang aktor na si Romnick Sarmenta sa mga taong ginagawang palusot ang sining sa pagbabaluktot sa katotohanan.
Ito ay kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng kanyang tweet nitong Martes, Agosto 2.
“Magko-comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining,” saad ni Romnick.
Dagdag pa niya, “Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.”
Magco comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining.
Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.E di magalit kayo.
Nagsasabi lang ako ng tutoo.— Romnick Sarmenta (@Relampago1972) August 2, 2022
Wala ring pakialama si Romnick kung may magalit sa kanyang sinabi dahil nagsasabi lang naman siya ng totoo.
Isa sa mga nag-react sa naturang tweet ng aktor ay ang historian na si Xiao Chua.
“Sobra-sobra nang taas ng respeto ko kay Romnick Sarmenta. Naku ngayon abot na hanggang bubong!” sey ng historian.
Wala mang direktang pangalan na binabanggit ay mukhang alam na ng mga netizens kung sino ang pinatutungkulan nito.
Matatandaang nag-trending si Giselle Sanchez noong Agosto 2 kasabay ng paglabas ng isang teaser ng “Maid in Malacañang” kung saan ipinakita ang kanyang role bilang si former President Cory Aquino.
Naglabas ng paliwanag ang sexy comedienne kung bakit nga ba niya tinanggap ang kanyang “controversial role” at sinabing sana raw ay bigyan ang pagkakataon ang pamilya Marcos na sabihin ang kanilang bersyon ng istorya.
“To close this article I would like to quote Senator Imee Marcos during the presscon ‘Art should disturb, it should confuse, it should provoke, it should should seduce and it should agitate. Ang sinasabi lagi kapag nagtutunggali, Mag-usap kayo. Balikan ninyo at pag-usapan natin ang pinag simulan’,” sey pa ni Giselle.
Samantala, may mga tweet rin si Romnick noong Miyerkules ukol naman sa “lies” at “truth”.
“Lies, no matter how adorned, gilded with gold and covered with precious stones, remain a lie: nothing more.
“Truth, no matter how simple, even when it is ugly and uncomfortable remains the truth… Hold fast to the truth.”
At kahapon, Agosto 4, nag-tweet muli si Romnick kalakip ang kanyang sulat kamay na mensahe at tula na ukol sa kasinungalingan at pagbabaluktot ng kasaysayan.
“Gumising ka bago malimot ang kasaysayan, tumindig kahit mag-isa, sa gitna ng mga kasinungalingan,” bahagi ng kanyang tula.
Kapansin-pansin rin na pula ang ginamit nitong panulat.
“Kasaysayang pilit mang baluktutin, sa mga palabas, at salitang sadyang baguhin… Gumising ka, bago ka bangungutin!” muling paalala ni Romnick.
— Romnick Sarmenta (@Relampago1972) August 4, 2022
Related Chika:
Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?
Romnick Sarmenta may patutsada kay Isko Moreno: Sana’y mag-isip ka
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.