Romnick Sarmenta may patutsada kay Isko Moreno: Sana'y mag-isip ka | Bandera

Romnick Sarmenta may patutsada kay Isko Moreno: Sana’y mag-isip ka

Therese Arceo - April 21, 2022 - 08:30 PM

Romnick Sarmenta may patutsada kay Isko Moreno: Sana'y mag-isip ka

NIRATRAT ng aktor na si Romnick Sarmenta ang kaibigan at dating kasamahan sa youth-oriented show na “That’s Entertainment” na si Manila Mayor Isko Moreno matapos nitong i-call out ang kapwa presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.

Sa Twitter napili ng aktor na ipahayag ang kanyang saloobin ukol sa isyung nangyayari sa bansa.

“Kaibigan ang turing ko sa iyo. Ikinampanya kita noon, sa mas mababang posisyon dahil naniniwala ako sa mga paninindigan mo dati,” saad ni Romnick.

Pagpapatuloy niya, “Pwede kang magalit o magtampo sa akin. Pero ang mga sinabi ko kelan lang ay dala ng malasakit at di galit.”

“Sana’y mag-isip ka. Di pa huli,” hirit pa ni Romnick.

Sunod na tweet ng aktor, “Securing a future for your family is noble. But securing at the expense of others, defaming and demeaning others, is the work of a fool.”

Bagamat walang tinutumbok na pangalan ang mga tweets ni Romnick ay marami sa mga netizens ang nagsasabing si Isko pa rin ang pinatutungkulan nito.

Pagpapaalala ng aktor, hindi dapat nagpapakalat ng kasinungalingan dahil may paniguradong nat balik ang bawat nangyayari.

 

 

“One of the commandments says: You shall not bear false witness against your neighbor. Ingat po sa pagpapakalat ng kasinungalingan. Sa inyo lang ang bagsak nyan,” muling post Romnick.

Bukod sa mga tweets ay makikitang nag-reply rin ang aktor sa isang ABS-CBN News article kung saan isinisisi ni Mayor Isko sa kampo nina VP Leni ang dahilan ng muling paglabas ng larawan niya habang nakikipag-meeting noon sa isa pang presidential candidate na si Bongbong Marcos.

“Blame yourself for your actions and decisions. Stop accusing others without proof. You’re starting to sound like a sore loser,” sagot ni Romnick.

Sa isa pang tweet ng aktor ay sinabi niyang ang pinakamatinding makakaaway ng isang tao ay hindi ang kanyang kapwa bagkus ang kanyang sariling ego.

“Your greatest enemy, isn’t another person, but EGO. You create your own truth because of it. You make your own noise because of it. You destroy yourself because of it.

“Ego is the greatest enemy of humility. Humility is a virtue. Practice virtues, don’t feed ego,” sey ni Romnick.

Matatandaang isa ang aktor sa mga nagpahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo at sa kanyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.

Aniya, para sa mas mabuting kinabukasan para sa pamilya, itinataya niya ang boto niya sa dalawang kandidato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?

OK lang ba kina Agot, Nikki at Romnick na magkaanak ng bading o lesbian?

Pagkalalaki ni Romnick pinagdudahan din ng mga kapamilya; pero keri bang magkaanak ng tomboy o beki?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending