OK lang ba kina Agot, Nikki at Romnick na magkaanak ng bading o lesbian?
Romnick Sarmenta, Nikki Valdez at Agot Isidro
NAGBUBUNYI ang fans nina Dominic (Adrian Lindayag) at Luke (Keann Johnson) dahil may follow up na ang pelikula nilang “Boy Foretold By The Stars”.
Ito ang nanalong 2nd Best Picture, Best Original Soundtrack at Gender Sensitivity Award sa 2020 Metro Manila Film Festival.
At para ipagpatuloy ang kuwento nina Dominic at Luke, ginawa na itong series at mapapanood na sa iWant TFC simula sa Agosto 16.
Nagtuluy-tuloy na ang love story nina Dominic at Luke na ang titulo ngayon ay “Love Beneath The Stars” na mas lumalim na ang istorya ngayong open na silang aminin sa lahat ang kanilang relasyon at maging sa school ay magkadikit na sila at hindi na patagu-tago tulad sa pelikula.
Lumitaw na ang mama ni Luke sa series bilang single parent na si Nikki Valdez na naiintindihan ang kalagayan ng anak at si Dominic naman ay anak nina Agot Isidro at Romnick Sarmenta.
Kaya natanong sila kung sakaling may Luke at Dominic sa mga anak nila at may ipinakilalang jowa, ano ang magiging reaksyon nila.
Si Agot ang unang sumagot, “Actually okay lang sa akin, I have three brothers but two of them are gay and my parents are too open like nu’ng nag-out ‘yung kapatid kong isa at sabi ng parents ko, ‘alam naman naming ‘yan!’
“So there was no need for them to be coming out. Ako, cool na cool lang diyan and I have a lot of friends from the LGBT community and I love them all. Sobrang opposite ang character ko dito sa ‘Love Beneath the Stars.’”
“Since my daughter just turned 13 recently, Olivia and I were very open to each other. We tell her that anything that you want to know kahit alam mong hindi kami agree in some point ang importante is you are open to us.
“I was just talking to direk Dolly (Dulu), sinabi ko nga kung puwede bang mapanood (ng anak) itong series namin because at the age of 13, she recently asked me what is being a pansexual daw about?
“So, ako sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko alam. I’m not very much aware of ‘yung description ng preferences ng mga tao, so I did, I make a research on it,” pahayag naman ni Nikki.
Nabanggit pa ng aktres na malaking tulong ang karakter niya sa “Love Beneath The Stars” dahil nakita niya kung ano ang gusto ng mga tao at dapat talaga maging open sa lahat ng bagay-bagay.
Dagdag pa ng aktres, “In my 24 years (sa showbiz) I have been exposed to the LGBTQ plus community, all my life nakapaligid sila sa amin and they are very happy people and sabi nga ni Ms. Jodi (Sta. Maria), love is universal, so who are you to choose for a person.
“Sobrang open kami ng anak ko and I just told her na when the time comes na ito ‘yung choice mo, I will support you. I told her that,” aniya pa.
Ang take naman ni Romnick dito, “I have six kids, I have two boys and four girls. ‘Yung boys open sila. I have so many friends who are in the community, growing up from grade school ang dami ko ng kilala then getting into the business, working in the industry for so long, I think my understanding grew along with me.
“Siyempre when you’re young like in the 70’s or early 80’s, a lot of things are said about the people in the community and because you’re impressionable but as you grow up, you realized we all can only be answerable for who we are and we cannot pass judgment to others,” sabi ng aktor
Dagdag pa ni Romnick, anuman ang maging choice ng mga anak niya ay respetado niya kahit na anong mangyari.
At para kay Victor Silayan bilang coach at father figure ang karakter sa series, umayon siya sa sinabi ng mga kasama niyang magulang na since wala pa siyang anak at kung magkakaroon ay gusto niyang maging open lahat at suportado niya ang mga ito anuman ang choice nila sa buhay.
Anyway, ang “Love Beneath The Stars” ay may six episodes na mapapanood tuwing Lunes simula sa Agosto 16 mula sa direksyon ni Dolly Dulu produced ng iWantTFC, Clever Minds at Dreamscape Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.