Romnick todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako | Bandera

Romnick todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako

Ervin Santiago - July 04, 2022 - 07:43 AM

Romnick Sarmenta, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

KAKAIBA at nakakahawa raw pala talaga ang magic at karismang dala ng Kapamilya couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ayon sa veteran actor na si Romnick Sarmenta.

Todo puri ang dating matinee idol sa tambalang KathNiel dahil personal niyang nasaksihan ang kabutihan at pagiging professional ng mga ito sa harap at likod ng mga camera.

Si Romnick ang gumaganap na tatay ni Daniel sa hit ABS-CBN romcom series na “2 Good 2 Be True,” ang reunion project nina DJ at Kath sa telebisyon.

Pahayag ni Romnick sa digital mediacon ng nasabing Kapamilya serye, “Bilang tatay, naaaliw ako sa kanilang dalawa. Iniisip ko minsan, kung sino man sa kanila ang anak ko, matutuwa ako.

“Sila magkasama most of the times dahil nagsusuportahan sila. Nag-aalagaan silang dalawa,” kuwento ng aktor.

“Lahat ng tao sa paligid nila, ganu’n ‘yung epektong ibinibigay nila. Inaalagaan nila sina Gillian (Vicencio), sina Bianca (de Vera),” aniya pa.

Ayon pa kay Romnick, marami na siyang nakatrabahong big stars na dumidistansya sa kanilang co-stars at yung iba talaga ay may attitude, pero never daw nagpakita ng yabang at angas sina DJ at Kath.

“Pagdating sa hotel, nakikita namin wala silang pinipili na kasama. Lahat parte ng pamilya which is something very refreshing.

“May mga nakita na rin kasi ako sa trabaho na iwas sa iba. Walang ganu’n sa KathNiel,” sabi pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Samantala, bilang dumaan din sa mga loveteam-loveteam si Romnick noong kabataan niya, nagbigay din siya ng kanyang saloobin tungkol sa pagkakaiba ng mga tambalan noon at ngayon sa showbiz.

“Isa sa mga kaibahan ng loveteam noon at ngayon, mas mature ‘yung mga characters na pino-portray nila madalas.

“Kasi sa amin noon, ang mga loveteams tweetums lang, e. Mga young love ang dating. Ang problema nila palagi ay typical high school problems.

“Yung mga loveteam ngayon, mabibigat ang dinadala sa buhay, e. May history ng pamilya ang karga-karga nila,” paliwanag pa ni Romnick na naitambal noon kina Jennifer Sevilla at Sheryl Cruz.

Dagdag pang pahayag ng aktor, “Natutuwa kami na nakikitang nagsusuportahan talaga sila. At nag-aalagaan sila.

“May mga loveteam noon na purely loveteam lang. Minsan magkaaway pa ‘yung dalawa behind the scenes,” pambubuking pa ni Romnick na super effective ng pagganap bilang nabilanggong tatay ni Daniel.

https://bandera.inquirer.net/311413/romnick-sarmenta-may-patutsada-kay-isko-moreno-sanay-mag-isip-ka

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290337/ok-lang-ba-kina-agot-nikki-at-romnick-na-magkaanak-ng-bading-o-lesbian
https://bandera.inquirer.net/290570/romnick-pinagdudahan-din-ang-pagkalalaki-ng-mga-kapamilya-pero-keri-bang-magkaanak-ng-beki-o-tomboy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending