Ben&Ben sa kantang ‘Autumn’: It’s about hope that a new season will come
MAY mapapakinggan na bagong hugot song mula sa sikat na Pinoy band na Ben&Ben!
Ito ang kanilang single na “Autumn” na tungkol sa nararamdamang kalungkutan matapos mawalay sa mahal sa buhay nang mahabang panahon.
Kwento ng nine-piece hitmakers, nabuo nila ang bagong single noong nakaraang taon pa habang sila ay nasa Canada sa gitna ng kanilang North American tour.
Ang pinaghuhugutan nito ay dahil sa lead vocalist at guitarist na si Paolo Benjamin na talagang sinubok ang pagmamahalan nila ng misis na si Karelle Bulan nang maranasan ang long distance relationship (LDR).
“A few months later, in early 2023, brother Miguel Benjamin completed the lyrics, also adding a bridge about being in different seasons, which really completed the message of the song,” sey ng folk-pop collective.
Dagdag nila, “It speaks about themes of loneliness, yearning, and ultimately, hoping against hope that a new season will come.”
Baka Bet Mo: Ben&Ben balak magtayo ng foundation para sa mga tinutulungang komunidad; Miguel nag-a-adjust pa rin sa married life
Bukod sa pangungulilang nadarama at pag-asa, ipinapakita rin sa bagong kanta kung paano nag-mature ang banda.
“Autumn is a song where we showcase how we’ve evolved and matured as a band,” anila.
Paliwanag pa, “Writing-wise, we felt that the perspective was a more realistic and mature take on the subject. Arrangement and production-wise, we discovered a lot of new ways to express sounds that achieve the emotion we were going for.”
Ang “Autumn” ay kabilang sa three-part release ng Ben&Ben na inaabangan sa mga susunod na linggo.
Bukod diyan, magkakaroon din sila ng full-band version ng bago nilang track na “Courage” at isa pang kanta na may special collaboration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.