Anjanette hindi malilimutan si FPJ; nasa Pinas para sa Christian movie
IN FAIRNESS, ang ganda-ganda pa rin ng aktres at dating beauty queen na si Anjanette Abayari na nagbabalik-Pilipinas para sa isang proyekto.
Isa-isang binalikan ng isa sa mga gumanap na Darna ang mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay dito sa bansa.
Naging espesyal na panauhin si Anjanette sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, July 15, at napag-usapan nga nila ang mga highlights sa kanyang showbiz career.
Unang balita ni Anjanette, umuwi siya sa Pilipinas dahil may gagawin siyang Christian movie kasama ang asawang si Gary Pangan.
Baka Bet Mo: Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya
Pagbabalik-tanaw ni Anjanette, sariwa pa sa isip niya ang pagsali sa Binibining Pilipinas pageant noong 1991 kung saan siya ang nanalong Bb. Pilipinas Universe na siyang naging pinto para sa pagpasok niya sa showbiz.
Naging kontrobersyal pa ang pagkapanalo niya sa naturang pageant dahil kinailangan niyang mag-resign sa kaniyang trono dahil hindi niya na-meet ang residency requirements.
Samantala, itinuturing ni Anjanette bilang isa sa mga best na nakatrabaho niya sa showbiz ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. o FPJ.
View this post on Instagram
“The best guy I have worked with. Talagang everything about him is true. Galante everything,” sabi ng dating Darna.
Isa sa mga advice ni FPJ na nagmarka talaga sa kanya noong magkasama sila sa pelikula, “Kung ayaw mo ngumiti that day, ‘wag kang magpakita because they (fans) own you.”
Nabanggit din ni Anjanette ang pangalan ni Boy Abunda bilang isa sa best highlights niya sa showbiz. Naging kaibigan at manager din kasi niya ang King of Talk. Nagkasama rin sila sa GMA program na “Show & Tell.”
Baka Bet Mo: Sharon nag-sorry sa mga fans na nagpupunta sa taping ng ‘Probinsyano’; may pakiusap kay Coco
Sabi ni Anjanette kay Boy, “You’re like a friend, a mentor, you gave me advice, you make me laugh. You’re the only one who didn’t want anything from me.
“Except my happiness and to take care of me, everybody else wanted something eh. Pero ikaw, wala kang gusto kung hindi ngumiti ako,” sabi pa niya.
Ano naman ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon, “Kung hindi kasali si Jesus sa center nu’n, hindi siya magwo-work. If the man does not believe in Jesus or God, you don’t make him the center of your relationship, for me, it won’t work.”
Ibinandera rin ni Anjanette na super happy na siya ngayon sa buhay as wife and nanay at tinawag pa ang sarili bilang “handywoman” dahil siya ang halos gumagawa sa lahat ng gawain sa bahay.
May YouTube channel din siya kung saan mapapanood ang pagbabahagi niya ng mga Bible verses at prayers para sa lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.