Pinay ‘Darna’ na si Anjanette Abayari inalala ang matitinding pagsubok sa buhay; naging maka-Diyos nang bumalik sa US
GUYS, natatandaan n’yo pa ba ang sexy actress at dating beauty queen na si Anjanette Abayari?
Sumikat at talagang umingay ang kanyang pangalan noong unang sabak pa lang niya sa mundo ng showbiz pagsapit ng dekada 90.
Nanalo si Anjanette bilang Bb. Pilipinas-Universe noong 1991 ngunit na-dethrone dahil sa citizenship issue na naging malaking balita noon sa showbiz at pageant industry.
Ang pinakamalaking proyektong ginawa niya noong kasagsagan ng kanyang kasikatan ay ang pagganap bilang Darna sa pelikula na ipinalabas noong 1994.
Ayon kay Anjanette, na isang Filipino-American at naging leading lady din ng mga sikat ma action stars noon, 30 pelikula ang nagawa niya sa mahigit pitong taon niya sa showbiz.
“Because my whole intent was just to go and work. I wasn’t anywhere near my family. It was just me there alone. I wanted to just not have any time to miss them,” ang pag-alala ni Anjanette sa naging buhay niya noon sa showbiz base sa vlog ng dati ring aktres na si Cristina Gonzalez-Romualdez.
Kuwento pa ni Anjanette, naninirahan siya ngayon sa Los Angeles, California kasama ang dalawang anak mula sa mga naging karelasyon noon. Asawa na siya ngayon ng isang pastor na si Gary Pangan.
Sa nasabing panayam, diretsahang sinabi ng dating aktres na totoong naligaw siya ng landas noong nasa showbiz pa, “Life happens and then we kind of drift apart from Him…in and out, in and out.”
Pagpapatuloy pa niya, “Showbiz is the world. The temptations of the world get to us. We’re only humans. We all fall short. So that’s what happened. I was more about pride and myself and all just… everything was just me, me, me.”
Aminado rin siya na mali-mali ang pinili niyang lalaki noon, “We’ve had a lot of boyfriends in our lives most of my boyfriends were all based on choices, of how they looked or whatever.
“That it’s always about our image before. And you think, ‘Okay, maybe.’ But then it never works out.
“They don’t have that respect for God. They don’t have that fear. They don’t have law or commandment or things that they go by. That always hurt you somehow,” paliwanag niya.
Isa sa hinding-hindi malilimutang iskandalo sa buhay niya ay nang magtungo siya sa Guam noong October, 1999.
Nahulihan siya sa Guam airport ng drug paraphernalia na naging dahilan para ma-blacklist siya sa immigration bureau sa Guam kasabay ng pagdeklara sa kanya ng persona non grata sa Pilipinas.
Ngunit sa isang interview noon, pinanindigan ni Anjanette na hindi sa kanya ang mga nasabat na drug paraphernalia. Talagang hiyang-hiya raw siya noon, “I was still hiding from just my shame, and guilt, and all that.”
Sa ngayon, maayos na maayos na uli ang buhay ng dating aktres at aktibung-aktibo sa mga gawain nila ng asawa bilang Christian.
Mensahe ni Anjanette, wala pa ring pinakamahalaga sa buhay ng isang tao kundi ang relasyon at pananampalataya sa Diyos.
“Somebody who believes in and trust and respects and loves God. It’s the most important thing, because everything else will follow. Seek first the kingdom and all those things will happen,” aniya.
https://bandera.inquirer.net/288245/liza-naging-mas-matapang-at-palaban-dahil-kina-pia-angel-at-anne
https://bandera.inquirer.net/279798/basher-tinalakan-ni-sharon-marunong-akong-kumanta-sumayaw-umarte-at-nagpayaman-ng-producers
https://bandera.inquirer.net/320451/bea-dumanas-din-ng-hirap-sa-buhay-magkano-kaya-kikitain-ko-sa-linggong-to-makakabayad-kaya-kami-ng-kuryente-at-rent-sa-bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.