Rendon Labador muling naghamon: ‘Sinong artista d’yan ang may b*yag na humarap sa akin? Ano, wasakan tayo ng dangal!?’
HAMON kung hamon ang ginawa ng kontrobersyal na motivational speaker na si Rendon Labador sa mga kilalang celebrities at social media influencers para sa isang “no holds barred” podcast.
Partikular na tinukoy ni Rendon ang mga “laos” na artista sa kanyang talakan challenge para raw magkaalaman na kung sino talaga ang matatapang at palaban.
Isinama na rin ng social media personality ang lahat ng mga influencers na walang takot na sumabak sa “real talk” na harapan at debate para sa kanyang podcast.
View this post on Instagram
Napanood namin ang video na ipinost ni Rendon sa kanyang Instagram Stories kahapon, May 17, at talagang namang ibinandera niya rito ang matinding challenge na gusto niyang mangyari.
“Sinong artista dyan ngayon ang willing humarap sa akin. Real talkan tayo. Podcast tayo. Gusto nyo makarinig ng totoong podcast? No holds barred? Walang filter? Ano? O, sinong gusto diyan,” ang simulang paghahamon ng negosyante.
Dagdag pa niya, “Sinong artista dyan ang may b*yag humarap sa akin? Podcast tayo! Tag n’yo ko para magkaalaman. Manonood ang sambayanang Pilipinas.
Baka Bet Mo: Megan nadala ng emosyon: Naisip ko, paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak!
Patuloy pang paghahamon ni Rendon, “Sinong laos dyan? O, gusto niyong sumikat? Dito ka! Ri-real-talk-in kita, ano?!”
Hirit pa niya, “Palibhasa kasi yung mga show n’yo walang kwenta, mga bulok, puro script, hindi raw. Ano, wasakan tayo ng dangal.”
Banat pa ni Rendon, “Kahit influencer na. O baka may matalinong influencer din dyan. O, artista, influencer, lahat na magsama-sama na kayo d’yan.
View this post on Instagram
“Papasikatin kita. Gusto mo matuto? Sige, punta ka rin okay lang. Walang namang personalan, trabaho lang,” tuluy-tuloy pang pahayag ng socmed personality.
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media at ng mga Marites all over the universe ang pamba-bash ni Rendon kay Michael V na tinawag niyang “laos na laos” matapos mag-post ang Kapuso comedian sa Facebook at Instagram tungkol sa mga content creators.
Samantala, buti na lang daw at hindi sinagot ni Rendon ang naglabasang balita tungkol sa pambabatikos sa kanya ni Ben Tulfo na isa palang fake news.
Mismong ang kampo ng radio and online broadcaster ang nagsabi na hindi kailanman naglabas ng statement o video patungkol kay Rendon ang utol ni Sen. Raffy Tulfo.
“Hindi talaga ako pumapatol sa mga matatanda, buti nalang fake news,” ang sabi ni Rendon tungkol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.