Megan nadala ng emosyon: Naisip ko, paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak! | Bandera

Megan nadala ng emosyon: Naisip ko, paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak!

Ervin Santiago |December 07,2021
facebook
share this

Megan nadala ng emosyon: Naisip ko, paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak!

Ervin Santiago - December 07, 2021 - 01:59 PM

Megan Young at Mikael Daez

BINALIKAN ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez yung araw nang bigla na lang nag-iiyak ang beauty queen-actress sa isang episode ng kanilang podcast.

Ito yung video kung saan hindi napigilan ng Kapuso actress ang sarili na mapaluha nang mapag-usapan nila ng asawa ang tungkol sa hiwalayan.

Ayon kay Megan, kahit daw iniisip pa lang niya ay parang hindi talaga  niya kakayanin na mawala sa piling niya si Mikael.

Sa nakaraang episode ng morning talk show ng GMA na “Mars Pa More,” ipinalabas ang video ni Megan na umiiyak habang nag-uusap sila ni Mikael kung ano ang pwede nilang pag-usapan sa mga susunod nilang podcast.

Paliwanag ng celebrity couple, nagbi-brainstorming daw sila that time about some topics for their podcast hanggang sa mag-suggest si Mikael na pag-usapan nila kung paano kapag naghiwalay sila.

Sey ni Mikael, ang iniisip daw kasi niya noon ay kung anong “juicy” at “controversial” topic ang pwede nilang pag-usapan sa podcast para mas maging exciting ang palitan nila ng ideas.

Hirit naman ni Megan, “Tapos naisip ko paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak. So nadala na ako sa emosyon.”

Sabi pa Mikael, agad na raw nilang tinapos ang kanilang brainstorming dahil sa biglang pag-iyak ni Megan.

Kung matatandaan, inilabas ng mag-asawa ang nasabing video noong nakaraang taon kung saan nagulat na lang siya nang makitang super cry na ang kanyang wifey.

Tanong ni Mikael kay Megan, “Huy, anong nangyari sayo?” Na sinagot naman ng aktres ng, “Eh kasi naman ikaw eh. Because we’re talking about podcast topics, and then Fofo said ‘Our topic, pano kung naghiwalay tayo?’ ayoko naman eh.” 

Sagot ni Mikael, “Theoretical lang. Para juicy yung topic.” Dagdag pa niyang kuwento sa kanilang video, “Every week, we have brainstorming sessions for the podcast. 

“Yesterday was one of those sessions and we challenged ourselves to think of juicy topics and I was on fire. 

“Blurting out topics left and right. The next thing i know, umiiyak na si bonez na-caught off-guard pala si madam pero sinulat pa rin naman niya ang suggestion ko,” chika ng aktor sa kanilang viral podcast noon.

View this post on Instagram

A post shared by Megan Young (@meganbata)


Samantala, sa isang bahagi ng nasabing episode ng “Mars Pa More” ibinandera rin niya ang matinding paghanga sa asawa nang kumasa ito sa kanyang challenge na 500 squats sa loob ng isang araw.

Aniya, natapos ng aktres ang 500 squats ng 45 minuto kaya naman mas tumindi pa raw ang paghanga niya kay misis pagdating sa palakasan ng katawan.

Sey naman ni Kuya Kim Atienza, ang bagong co-host nina Iya Villania at Camille Prats sa programa, mahirap pero  magandang exercise ang squat dahil malaking tulong ito sa metabolismo at sa maraming muscle group sa katawan.

Nagpakasal sina Megan at Mikael noong January, 2020. Wala pa silang anak ngayon kaya talagang ine-enjoy nila ang buhay may-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/288744/megan-mikael-nagkasundo-na-huwag-munang-magkaroon-ng-anakhttps://bandera.inquirer.net/296717/megan-mikael-mas-naging-wais-sa-pera-dahil-sa-pandemya-nagbenta-ng-kotse-pangdagdag-sa-ipon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending