Karen Davila saludo kay Jessica Soho: Mas mahirap pong magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag... | Bandera

Karen Davila saludo kay Jessica Soho: Mas mahirap pong magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag…

Ervin Santiago - January 24, 2022 - 07:27 AM

Jessica Soho at Karen Davila

PINURI ng Kapamilya broadcast journalist at news anchor na si Karen Davila ang award-winning TV host na si Jessica Soho sa gitna ng pamba-bash dito ng ilang supporters ni Bongbong Marcos.

Ito’y matapos umere nitong nagdaang Sabado ng gabi ang “The Jessica Soho Presidential Interviews” sa GMA 7 kung saan humarap sa sambayanang Filipino ang apat sa presidential aspirants para sa darating na May, 2022 elections.

Ipinagdiinan ni Karen na mahalagang makilahok ang mga kumakandidatong presidente sa mga interview ng mga mamamahayag mula sa iba’t ibang platforms.

Ito’y para mas makilatis pa sila ng mga botante mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas pati na sa buong mundo para makatulong sa pagpili ng kanilang ihahalal. 

Ibinandera ni Karen ang paghanga kay Jessica dahil napapayag nito ang apat na tumatakbong pangulo ng bansa na humarap sa The Jessica Soho Presidential Interviews ng GMA 7.

In fairness, matapang na sumagot sa taped interview sina Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Manila City Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo sa mga tanong tungkol sa kanilang mga plataporma, sa mga suliranin ng bansa at sa iba’t ibang isyu na ibinabato sa kanila.

Hindi naman pinagbigyan ni Bongbong Marcos ang imbitasyon ng GMA dahil ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Marcos, “biased against Marcoses” si Jessica Soho.

Naglabas naman ng statement ang GMA para ipinagtanggol si Jessica laban sa paratang ng kampo ni Bongbong.

Kahapon, Jan. 23, nag-tweet nga si Karen upang ibandera ang paghanga kay Jessica, “Reading Jessica Soho’s Pres Intrvws via @inquirerdotnet. KUDOS Maam Jess!

“The questions centered on revealing the true character of the candidate. Kaya po mahalaga na mag-pa interview sa mga mamamahayag.

“Mas mahirap po magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag (Philippine flag),” matapang pang pahayag ng Kapamilya news anchor.

Dagdag pang sabi ni Karen, “The presidency is not only about competence & vision but also about character. Interviews with journalists help peel the layers for voters to get to know candidates.

“Bawat mamamahayag, may kanya kanyang istilo ng pagtatanong at nakakatulong lahat ito sa pagpili kung sino iboboto.

“I am excited for the @ABSCBNNews Debates & Interviews and I wish all other networks well! Media stands together in calling our candidates into account,” lahad pa niya.

Relate na relate rin si Karen sa pambabatikos ng ibang supporters ni Marcos kay Jessica dahil naranasan din niya ito noong 2016 nang akusahan siyang biases ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil daw sa istilo ng kanyang pagtatanong.

Pag-alala ni Karen, “I remember noong 2016 Presidential debates, we were trolled, bashed & accused for being ‘biased’ for asking then Mayor Duterte certain Qs.

“Kapag binalikan ang mga tanong at sagot, he gave a glimpse of what was to come. That’s why facing the media is critical,” pahayag ng broadcaster.

Ipinagdiinan din ni Karen na walang masama sa ginagawang pagtatanong ng mga mamamahayag — trabaho lang, walang personalan.

Pahayag ni Karen, “Candidates must remember – when journalists ask ‘tough or hard’ questions, they are doing the public good. We don’t go home personally hating a candidate.

“Trabaho lang. The Presidency is no joke. The country & our children’s future is at stake. Have a peaceful Sunday guys!” aniya pa.

Samantala, mula Jan. 24 hanggang Jan. 28, haharap naman ang mga presidential aspirants sa isang one-on-one interview kasama si Boy Abunda, na mapapanood sa YouTube channel ng TV host at sa Kapamilya Channel.

Inanunsyo na ng production na kasama sa mga sasabak sa interview si Bongbong Marcos pati ang apat na kandidatong matapang na nagpa-interview kay Jessica Soho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303638/gma-network-umalma-sa-biased-remark-ng-kampo-ni-marcos-laban-kay-jessica-soho
https://bandera.inquirer.net/281743/jessica-soho-todo-pag-iingat-sa-kalusugan-matapos-makipaglaban-sa-pneumonia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending