Sunshine Cruz sa mga nababagabag sa kanyang pananamit: Kindly unfollow for your peace of mind
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng mga bashers ang aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz.
Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nito ang ilan sa mga screenshot ng mga bashers na patuloy na kumukwestiyon sa kanyang mga outfits.
Marami kasi ang tila hindi nagugustuhan ang pagsusuot ni Sunshine ng sexy outfits dahil hindi na raw ito bagay sa edad niya lalo na at may mga anak na siya.
“What happen to you? Wala ka na sa edad para magpopost ng ganyan,” saad ng isang netizen.
Sey pa ng isa, “Kasawa rin yung puro [ganyan] itsura nya. Wala ba [siyang] damit?
Kaya naman hindi na rin napigilan ni Sunshine at mahinahon itong pumalag sa mga komento ng netizens.
Aniya, “Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin.”
Pagpapatuloy ni Sunshine, “Sa mga kababaihan at kalalakihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am.”
View this post on Instagram
Chika ni Sunshine, gustong-gusto niya ang pagde-dress up at nag-e-enjoy siyang isuot ang mga crochet tops na siya mismo ang gumawa.
“I love dressing up, I love wearing my own creations na crochet tops, I enjoy going to the beach with my children so expect to see more of me dito sa aking sariling facebook page,” hirit ni Sunshine.
May mensahe rin siya mga taong patuloy na na nababagabag sa mga pino-post niya sa social media.
“If my posts or my/our clothes bother you, kindly unfollow po for your own peace of mind,” sey ni Sunshine.
Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa aktres at sinabihan itong huwag na lamang pansinin ang ibang tao na sobrang toxic.
“Continue to spread body positivity Ms. Shine! Palaging may masasabi sa atin ang mga tao, kahit ano pa ang gawin mo. Piliin nating lagi kung anong magpapasaya sa atin,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Very well said Sunshine. I’m 56 years old and I love and wear anything that makes me feel good and comfortable.”
“That’s right. I love the way you dress up Miss Shine. Keep it up idol. Hope to meet you soon,” sey naman ng isa.
Related Chika:
Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age
Sunshine todo pasalamat kay Diego sa pagiging ‘protective at best kuya’ sa kanyang Tres Marias
Banat ni Sunshine Cruz sa basher na tumawag sa kanya ng lola: Kumain ka…mukha kang gutom
Balitang ‘buntis’ ang anak ni Sunshine Cruz fake news: Piliin n’yo pinaglalaruan n’yo, minor pa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.