Balitang 'buntis' ang anak ni Sunshine Cruz fake news: Piliin n'yo pinaglalaruan n'yo, minor pa! | Bandera

Balitang ‘buntis’ ang anak ni Sunshine Cruz fake news: Piliin n’yo pinaglalaruan n’yo, minor pa!

Ervin Santiago |December 29,2021
facebook
share this

Balitang ‘buntis’ ang anak ni Sunshine Cruz fake news: Piliin n’yo pinaglalaruan n’yo, minor pa!

Ervin Santiago - December 29, 2021 - 06:15 PM

Angelina, Chesca, Sunshine at Sam Cruz

NAGING biktima na naman ng malilisyosong “Marites” at mga tagapaghatid ng pekeng balita ang anak ng aktres na si Sunshine Cruz.

Kumalat sa social media nitong mga nagdaang araw ang tsismis na buntis daw ang dalagang anak nina Sunshine at Cesar Montano na si Sam Cruz.

Nagsimula ang pagpapakalat ng ilang netizens na nagdadalang-tao umano si Sam nang mag-post sa Instagram at Facebook nitong nagdaang Pasko, Dec. 25, ng mga litrato na kuha sa selebrasyon nila ng Pasko.

Ang nakasulat na caption sa IG post ni Sunshine, “#Christmas2021 #family.”

Sa isang photo na ibinahagi ng aktres ay makikitang kasama niya ang tatlong anak. Dito napansin ng ilang netizens na tila nakatakip ang dalawang kamay ni Sam sa kanyang tummy.

Kaya naman mabilis na gumawa ang ilang Facebook page at YouTube channel ng mga video at artikulo na naglalaman ng tsismis tungkol sa pagbubuntis umano ng anak ni Sunshine.

Nakalagay sa isang Facebook page, “FINALLY! SAM CRUZ PREGNANT?”

Inilabas naman ng isang FB account ang chikang, “USAP-USAPAN NGAYON NG MGA MARITES ANG ISA SA DALAGANG ANAK NI SUNSHINE CRUZ, BUNTIS NGA RAW BA ITO?”

“Maaaars paskong pasko walang patawad sa tsismis ah. Pero mukhang buntis nga,” ang naka-post sa isa pang FB account.

Tanong naman ng isang netizen, “Totoo ba na buntis Yung Isa sa mga anak Niya. Merry Chismis.”

Hindi ito pinalampas ng isa sa mga bida ng bagong Kapuso drama series na “Mano Po Legacy”. Mariin itong dinenay ni Sunshine at tinawag ang atensyon ng mga nagpakalat ng malisyosong balita.

Sabi ni Sunshine sa kanyang Facebook post, “FAKE NEWS!

“So easy to destroy and make fun of someone by spreading lies on social media.

“Piliin nyo pinaglalaruan nyo huwag yung bata o MINOR pa. Sam Cruz,” banta pa ng aktres.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima ng fake news ang mga anak ni Sunshine. 

Ilang beses na ring binastos ang mga ito ng mga bashers na hindi rin pinalampas ni Sunshine. Talagang pinagsabihan niya ang mga manyak na netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Sam, may dalawa pang anak na babae si Sunshine sa ex-husband niyang si Cesar Montano — sina Angelina at Chesca.

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Sam Cruz inatake ng matinding takot nang magka-COVID si Sunshine: Seeing her gone would crush me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending