Andrew Schimmer: I hate Christmas and I don’t think I will ever like it again | Bandera

Andrew Schimmer: I hate Christmas and I don’t think I will ever like it again

Therese Arceo |December 23,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer: I hate Christmas and I don’t think I will ever like it again

Therese Arceo - December 23, 2022 - 11:25 AM

Andrew Schimmer: I hate Christmas and I don’t think I will ever like it again
LABIS pa rin ang lungkot na nadarama ng aktor na si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng kanyang fiancé na si Jho Rovero.

Kahapon, December 22, nagbahagi ng short video clip ang aktor kung saan kasama niya ang bunso nilang anak na si Xander.

Kuha ang video noong umaga ng December 20, araw ng guesting ni Andrew sa “Family Feud” kung saan siya ang tumayong leader ng team nila na Kakabakaba Adventures.

Ayon sa video ay plano nilang magpunta sa ospital kung nasaan si Jho upang doon i-celebrate ang birthday salubong ng kanilang bunso.

“Anyway ang pinaka-special sa araw na to, mamaya after ng work ko ay birthday ng baby bunso. It’s his birthday. So mamaya after ng work ng daddy, pupunta kami sa mommy, dun kami magsi-celebrate ng kanyang birthday salubong,” saad ni Andrew.

Pagpapauloy pa niya, “So samahan niyo kami mamaya guys. Salubungin natin yung birthday niya. Yun ang request niya, e. Gusto niya, dun siya mag-celebrate kung nasaan ang mommy niya.”

Makikita pa nga na positive ang aura ni Andrew sa video at halatang looking forward siya sa muling pagsasama ng kanilang pamilya para sa kaarawan ng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nga ito na-post ni Andrew noong araw na ‘yun dahil ilang oras matapos niya itong i-take ay sumakabilang buhay na si Jho.

Aniya may mga pangyayari raw talaga sa buhay na talagang dudurog sa iyo at para nga sa kanya ay ito ‘yon.

Hindi nga rin niya magawang maging masaya kahit na panahon ng Kapaskuhan dahil sa sakit ng pagkawala ng asawang ilang taon rin niyang ipinaglaban.

“Sometimes life will break you to the point of no return [broken heart emoji] it will give you so many circumstances that you will really hate your self [broken heart, crying emojis]. “I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again,” caption ni Andrew.

Matatandaang bago ang pagpanaw ni Jho ay ibinahagi ni Andrew na handa na itong pakasalan ang ina ng kanyang mga anak ngunit December 20 nang tuluyan na ngang kunin ng Panginoon si Jho matapos ang dalawang taong paglaban nito sa sakit na severe hypoxemia.

Related Chika:
Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever

Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending