Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever | Bandera

Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever

Reggee Bonoan |December 20,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever

Reggee Bonoan - December 20, 2022 - 06:24 PM

Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever
BINAWIAN na ng buhay ang fiancée ni Andrew Schimmer na si Jorhomy Reina Rovero o Jho pagkalipas nang mahigit isang taong confinement nito sa ospital.

Base sa larawang pinost ni Andrew na nakahawak siya sa kamay ni Jho suot ang kanilang wedding ring ilang minuto lang ang nakalipas bago naming sulatin.

Ang caption nito, “The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promise, together forever.”

Matatandaang noong NObyembre 24, 2021 ay ibinahagi ni Andrew sa kanyang social media account na itinakbo niya sa St Lukes Hospital sa Bonifacio Global City ang ina ng kanyang mga anak na si Jho dahil sa sunud-sunod na asthma attack na naging resulta ng cardiac arrest at hypoxia na ibig saibhin ay kinulang siya ng oxygen sa brain.

Laging humihiiling ng panalangin si Andrew sa lahat para sa agarang paggaling ng fiancée niya hanggang sa nauwi na rin sa paghingi ng tulong dahil sa napakalaging medical bills nila sa nasabing ospital.

At para makatulong din sa mga kakailanganin ay bina-vlog ni Andrew ang lahat ng nangyayari kay Jho sa araw-araw at ina-upload niya ito sa YouTube channel niya at dumami naman ang tumutulong sa kanya mula sa mahigit 300,000 niyang subscribers at nakakuha siya ng mahigit 1M views.

Nitong Disyembre 10 ay in-anunsyo ni Andrew na ikakasal na sila ni Jho bago mag-Pasko at pinost pa niya ang mga singsing.

Ang caption ni Andrew, “We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN (emojis heart, praying hands) very very (emojis arrows).”

Hindi naman malinaw kung natuloy ang kasal o basbas sa kanila dahil walang pinost si Andrew dahil ang sumunod ay suot na nila ni Jho ang kanilang wedding rings.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

Bumaha ng pakikiramay sa FB post ni Andrew at habang sinusulat namin ang balitang ito ay nag-post siya ng video na ibinabalita niya ang nangyari kay Jho at namamaga ang mga mata.

“Mga kapatid, ikukuwento ko lang sa inyo ang pinakamalungkot at pinaka-worst na balitang puwede ninyng marinig. Kanina habang nasa GMA ako habang sa taping ng Family Feud ay tinawagan ako ng mga doctors niya dito sa St Lukes na biglang nawala ang kanyang BP (blood pressure) and everything. Nawala lahat pati ‘yung oxygen saturation niya (natitigilang magsalita).

“Kaya naman nagpaalam ako sa GMA and I want to apologize for the management of Family Feud, pasensya na dahil hindi ko natuloy ‘yung kanina dahil kinakailangan kong tumakbo rito (hospital). Inabutan ko siya actually nire-revive ng ating mga doctors and nurses. They did everything they could (paos ang boses), sakit lang.

“Gusto ko lang ibalita sa inyo (pigil ang luha). Guys, maraming, maraming salamat sa mga nagdasal, sa mga taong hindi nakalimot sa amin (naging emosyonal na), thank you, thank you! Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya, hindi na sya inabutan ng bunso namin (iyak na ng iyak).

Sabay pakitang hawak-hawak ni Andrew ang kaliwang kamay ni Jho, “heto siya ngayon, wala ng buhay ang kamay niya (iyak ng iyak). Pakita ko lang siya sa inyo, one last time. Ito ‘yung ating sleeping beauty, iniwan na niya tayo mga kapatid.

Mommy, mommy mahal na mahal ka namin, love ko! para ito sa mga followers mo, para to sa mga nagdasal sa ‘yo ng paulit-ulit na hindi tumigil.”

Taos puso kaming nakikiramay sa buong pamilya ni Jho at kay Andrew.

Related Chika:
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending