Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila! | Bandera

Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila!

Therese Arceo |November 30,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila!

Therese Arceo - November 30, 2022 - 11:28 PM

Andrew Schimmer masayang makita ang mga anak kasama ang asawa: Excited na excited sila!

SUPER happy ang aktor na si Andrew Schimmer dahil makalipas ang isang buwan ay muling nakita ng kanyang mga anak ang ina nilang si Jho Rivero.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ibinahagi ng aktor ang naging pagbisita ng kanilang mga anak sa ospital kung saan naka-admit si Jho.

“Nandito kami ngayon sa kanya e. First time siyang puntahan ulit ng kanyang mga [anak]. Kaya ayan, ang saya saya nila,” masayang bahagi ni Andrew.

Pagpapatuloy pa niya, “First time… kasi matagal nilang hindi nadalaw si mommy niya gawa ng nagkaroon ng infection si mommy nila so after almost a month, I think, ngayon lang nila nakita si mommy nila kaya excited na excited sila.”

Makikita sa video na nagkukwento sa kanilang mommy ang dalawang anak nila at mababanaag rin sa mata ni Andrew ang sayang nararamdaman na makitang magkakasama ang kanilang pamilya.

Maging ang bunso ay sobrang happy at halatang excited sa muling pagkikita nila ni Jho. Kinantahan pa nga niya ito habang nasa tabi niya at hawak hawak ang kamay.

Sinabi rin ni Andrew sa video na sa ospital sila magse-celebrate ng Pasko maging ng birthday ng kanilang anak na lalaki.

Ikinuwento rin ng mga bata sa kanilang mommy ang mga iniligtas nilang maliliit na pusa malapit sa kanilang tahanan.

“Mommy I love you so much,” sey ng panganay nina Andrew at Jho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

Sey pa niya, “Don’t worry bago mag-Christmas, gigisingin na ni Papa Jesus ‘yang si Mommy n’yo. Amen!”

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at naantig matapos mapanood ang latest vlog ng aktor.

“Nkakatuwa marinig Ang boses ng mga anak malaking bagay yon magpapalakas sa kanya! Super lambing ng mga bata, they really missed their mom! God bless you Andrew and family! Our prayers are always with you…not skipping ads will help them guys in our own little ways,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Ang sarap Ang saya tignan na Makita sir Ang inyong pamilya pati na Ang mga bata miss na miss nila mommy nila dahil Po sa inyong sobrang pagmamahal sa mommy ninyo kaya lumalaban Siya para sa inyong lahat. Get well soon ma’am Joremy very soon. God bless your family.”

Sa ngayon ay hindi pa rin nagigising ang asawa ni Andrew ngunit mas nagiging maganda na ang lagay nito kaysa noong panahong muli itong isugod sa ospital ilang araw matapos itong iuwi sa kanilang tahanan.

Related Chika:
Asawa ni Andrew Schimmer nakauwi na mula sa pagkaka-confine, Julius Babao nagpaabot ng tulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending