Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya | Bandera

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya

Therese Arceo |November 11,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya

Therese Arceo - November 11, 2022 - 03:44 PM

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya
MULI na namang nagbigay ng update ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol sa kasalukuyang lagay ng kanyang asawang si Jhoromy “Jho” Rovero.

Sa kanyang latest video na ibinahagi niya sa Facebook ay sinabi niyang dapat raw sana ay maililipat na nila ang asawa sa regular room.

Pag-amin ni Andrew, natagalan rin ang kanyang pagbi-video at pagbibigay update ukol kay Jho dahil na rin sa dami ng kanyang mga inasikaso.

Aniya, muli na namang under observation ang asawa kaya hindi natuloy ang paglipat nito sa regular room.

“Anyway, nandito ako ngayon sa kanya sa ICU. supposedly, yesterday dapat lilipat na siya ng regular room kasi medyo under observation ulit siya ngayon kasi since last night nawawala-wala yung kanyang self-breathing na supposedly okay na,” paglalahad ni Andrew.

Dagdag pa niya, “So today medyo under observation ulit siya kaya I need your prayers again. She need God everyday in her life. Sana mga kaptid ‘wag kayong magsawa. ‘Wag kayong mapagod samahan ako na magdasal.”

Humingi rin ng pumanhin si Andrew sa mga taong naiirita na umano sa pagiging emosyonal niya sa mga videos at sa tuwing magbabahagi ito ng kwento ng kanilang pamilya.

“Sa mga ibang kapatid natin na nai-irritate minsan sa akin dahil masyado raw akong emotional, guys, I’m sorry. I cannot control those emotion sometimes. It’s just bursting out,” paghingi niya ng patawad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

“Pag mahal mo yung tao, lumalaban. ‘Pag meron kayong mahal sa buhay, na ipinaglalaban ang buhay niya. I know you will understand me. Nawala na yung kanyang pamamanas, ang binabantayan na tin ulit yung self-breathing niya. So 100% nakadepende tayo sa kanyang air ventilator,” pagpapatuloy pa niya.

Matatandaang muling ibinalik sa ospital ang kanyang asawa matapos itong maiuwi sa kanilang tahanan nang magkaroon ito ng lagnat at magsuka nang dahil sa pagtaas ng kanyang sodium level.

Sa kabila nito ay patuloy namang lumalaban si Jho para sa kanyang buhay at labis labis naman ang pasasalamat ni Andrew sa mga taong walang sawang nagpapaabot ng suporta, tulong, at dasal para sa kanilang pamilya.

Related Chika:
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banta ni Andrew Schimmer sa taong nagpalala sa sakit ni Jho Rovero: Kapag nag-fail ang kidney ng asawa ko, hindi ko siya mapapatawad!

Asawa ni Andrew Schimmer nakauwi na mula sa pagkaka-confine, Julius Babao nagpaabot ng tulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending