Banta ni Andrew Schimmer sa taong nagpalala sa sakit ni Jho Rovero: Kapag nag-fail ang kidney ng asawa ko, hindi ko siya mapapatawad! | Bandera

Banta ni Andrew Schimmer sa taong nagpalala sa sakit ni Jho Rovero: Kapag nag-fail ang kidney ng asawa ko, hindi ko siya mapapatawad!

Reggee Bonoan - October 18, 2022 - 02:38 PM

Banta ni Andrew Schimmer sa taong nagpalala sa sakit ni Jho Rovero: Kapag nag-fail ang kidney ng asawa ko, hindi ko siya mapapatawad!

Andrew Schimmer at Jho Rovero

NEGLIGENCE umano ng nutrionist ang dahilan kung bakit tumaas ang heart rate at minanas ang asawa ni Andrew Schimmer na si si Jorhomy Reiena Rovero or Jho.

Kinailangang itakbo ulit ng aktor at vlogger sa hospital ang kanyang misis nitong Lunes ng madaling araw dahil sa napakataas ng lagnat nito.

Matatandaang Oktubre 10 lang nakauwi ng bahay nila sa Bulacan si Jho pero pagkalipas ng isang linggo ay nag-post si Andrew na tumaas at hindi bumababa ang heart rate ng asawa at humihingi siya na sana’y tulungan siyang manalangin na sana umokey na ang kalagayan nito.

Post ni Andrew sa kanyang FB kahapon, “Just after a week, she’s back in the hospital again. Need po sha ipasok ulit sa ICU for few days, until mag stable po ulit sha, please, plsss pray for Her, she needs it. Pls God give Her the strength to push trough, Kaylangan po sha ng puso ko Panginoon ko.”

“Guys dito kami sa ER (emergency room) ng St. Lukes, pinapa-stable lang kasi ang taas ng heart rate niya tapos baka ilipat namin siya ng MCL Makati dito sa may Muntinlupa (humugot ng hininga), kailangan siyang ipasok ulit sa ICU ng ilang araw.  So, aayusin ko muna guys, I will keep you posted.”


At nalaman na ang update kung bakit at galit na galit si Andrew sa nutritionist ni Jho dahil nagdagdag ng sodium content sa pagkain ng asawa na dapat sana ay tubig lang at ang inilagay na remarks ay ‘as per prescribe’ at hindi as per advice’ base sa chart na ipinakita nito sa video.

Sa panayam muli kay Andrew sa mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao ay ikinuwento ng aktor ang lahat, “Bigla po siyang (Jho) nag high fever tapos kasama ng high fever tumaas ang heart rate niya.  E, usually alam naman namin ‘yung protocol sa ganu’n na kapag nagbigay ka ng paracetamol at isa lang naman ‘yung paracetamol na okay sa kanya at bumababa naman.

“This time hindi bumababa, tumaas pa lalo ‘yung fever niya tapos tumataas lalo ‘yung heart rate niya, so, sabi ko may mali!  May infection na nilalabanan ng katawan niya, may mali.

“So, nag-decide po kami na mag-ER, e, medyo na-delay po kami kasi ilang hospital ‘yung hindi siya tinanggap, ‘yung iba puno ang ER nila at ‘yung iba hindi kaya ng facilities nila.

“Ang sabi ng hospital na pinuntahan namin since kulang sila sa facilities ay pinayuhan ako na dalhin siya (Jho) kung saan hospital siya nanggaling kasi nandoon na lahat ng records at hindi na kami mahihirapan, hindi na mahihirapan ang pasyente at mabibigyan siya ng immediate action.

“So, balik kami dito sa St. Lukes (Global City), so pagdating namin sa ER kaninang madaling araw in-asses naman siya kaagad.  Kumuha sila ng maraming blood test, so nu’ng nagsagawa sila ng blood test I was asking kung anong nangyayari.

“Hindi nila masyadong mapaliwanag sa akin (kaya) nara-rattle na ako. Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari sa asawa ko bakit hindi bumababa ang heart rate, hindi bumababa ang fever niya.

“Hindi pa nila masabi sa akin pinaghihintay lang nila ako ng pinaghihintay ang gusto kasi nila is ilipat ko ng hospital itong si Jho kasi nga meron pa akong balance sa kanila ang that’s okay kasi po hospital policy po ito.

“So, hindi nila sinasabi sa akin nu’nbg una kung ano talaga hanggang sa naglagay kami foley catheter doon ko nakita ‘yung ihi niya may buo-buo (kulay) brown.  Kulay tsaa po ‘yan,” aniya.

Tanong ni Julius, “Bakit daw ganyan ang urine?” Hindi kaagad nakasagot si Andrew dahil nagsuka ang asawa at kailangan niyang tulungan ang nurse na nag-a-assist sa asawa.

Humihiling naman ng panalangin si Julius sa nakita nilang kalagayan ng asawa ni Andrew at si Tintin ay napapikit at nanalangin na.

Sa pagpapatuloy ni Andrew na kaya raw brown na ang ihi ay, “Sobrang taas daw po ng sodium niya at creatinine dahil poi to sa pagkakamali ng kanilang nutritionist.

“Bago po kami ma-discharge nu’ng October 10, itong nutritionist nila, nagbigay ng prescription, nagbigay siya ng 6 grams added sodium per meal dito po sa asawa ko and as a result, tumaas po ng sobra ang kanyang sodium and creatinine level sa katawan to the point na hindi nap o kayang i-process.

“So, ngayon sabi ko sa kanila, hindi ko ililipat ng hospital itong asawa ko tulad ng gusto ninyong mangyari.  Hindi ko ipasasalo ‘yung problemang ginawa ng tao ninyo sa ibang hospital.

“Ang sama ng loob ko kuya Julius, okay na okay na ang asawa ko.  tingnan mo naman ng ginawa ng nutritionist ng dahil lang sa nagbigay siya ng prescription na mali.

“Kuya Julius, ate Tin, hindi ako duktor, hindi ako nutritionist pero hindi mo dapat bigyan ng 6 grams of sodium level ang taong nakaratay o bedridden.‘Yung ganu’n kataas na sodium content, pang athlete ‘yun, sobra pa nga sa athlete ‘yung ganu’n.  bakit mo bibigyan sa taong bedridden?  Saan niya dadalhin ang excess sodium na ‘yun?” sabi pa ni Andrew.

Ang doktor sa ER na tumingin kay Jho ang nagsabing mataas ang sodium level nito sa katawan dahil nu’ng nakita ay napailing ito, sabi niya, ‘bakit mataas ang sodium?”

“Sabi ko, dahil ito sa bagong ibinigay sa kanya (nutritionist) dahil wala namang bagong ibinigay,” sabi pa niya.

Hirit naman ni Tintin na sa loob ng pitong araw ay ito ang natatanggap na sodium sa katawan ni Jho per meal.

“Opo ate Tin, ‘yung post ko ayaw kong magalit sa kanila (nutritionist).  Water flashing lang siya nung nandito pa kami sa hospital.  Kanina pa ako naghi-hyterical dito sabi ko iharap n’yo sa akin ‘yang nutritionist.  I want to talk to her kasi sagutin niya ito!

“Pag nag-fail ang kidney ng asawa ko hindi ko siya mapapatawad!  Hindi ko siya mapapatawad!” galit na kuwento ni Andrew.

At napagtanto ni Andrew na kaya pala siya minamadaling ilipat ang asawa sa ibang hospital pag nag stable na ay para iba ang panagutin ng ginawa ng nutritionist.

“So, ito ang lumabas may pagkakamali kaa huwag ninyo akong madaliing ilipat kasi sagutin ninyo ito.  You need to correct this (sabi niya sa duktor na nasa ER).  Kung ano ang pagkakamali ng tao ninyo, huwag ninyong ipasalo sa ibang hospital.

“This is very wrong, this is negligence and this is life!” pahayag ni Andrew na halatang nagpipigil ng galit.

Panawagan naman ni Julius sa St. Lukes management na bigyan kaagad ng kaukulang attention sina Andrew at asawa nito para hindi na lumala ang sitwasyon at make sure na maililigtas ang pasyente nila.

At dito na nabanggit ni Andrew na magkakaroon ng damage sa kidney ng asawa itong ginawa ng nutritionist.

“So, kailangan nila itong harapin, kailangan nila itong ayusin!  Buhay itong pinag-uusapan natin, hindi ito papel, hindi ito laruan,” diin ng dismayadong asawa ni Jho.

Wala rin daw maipaliwanag ang doktor na tumingin sa pasyente.  Ang gagawin daw ay magkakabit ng dextrose na pang-push ng sodium sa katawan nito.

Ipinakita ring namamanas at namumula ang mukha, at buong katawan ng asawa ni Andrew.

Hindi napigilan ni Andrew ang umiyak dahil okay na okay na ang asawa nang iuwi nila at road to recovery na, pero dahil sa pagkakamali ng tao ng hospital ay nalagay sa alanganin ang buhay nito.

Bukas ang BANDERA sa magiging official statament ng St. Lukes hinggil sa mga naging pahayag ni Andrew.

Misis ni Andrew Schimmer muling isinugod sa ICU 1 linggo matapos makauwi mula sa ospital

Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakiusap ni Andrew Schimmer sa asawang may sakit: Please, fight more…don’t give up yet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending