Mikael sa asawang beauty queen: I'm not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young! Bandera

Mikael sa asawang beauty queen: I’m not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young!

Ervin Santiago |February 21,2022
share this

Mikael sa asawang beauty queen: I’m not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young!

Ervin Santiago - February 21, 2022 - 01:04 PM

Mikael Daez at Megan Young

SA halip na pigilan at kontrahin, sinuportahan pa ng Kapuso actor na si Mikael Daez si Megan Young na ituloy ang pangarap nitong maging beauty queen.

Dito, napatunayan ng Kapuso actress kung gaano siya kamahal ni Mikael at kung gaano nito pinahalagahan at nirespeto ang kanilang relasyon. 

Ayon kay Megan, talagang sobra pa sa 100% ang suportang ibinigay ni Mikael nang lumaban siya at gumawa sa kasaysayan bilang kauna-unahang Miss World (2013) sa Pilipinas.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa Kapuso couple na mapapanood sa YouTube channel ng TV host-actress, sinabi ni Megan kung gaano kalaki ang naging partisipasyon ni Mikael sa pagsali niya sa beauty pageant.

Sey daw ni Mikael kay Megan noong hindi pa final ang desisyon niyang mag-join sa Miss World Philippines, “Bakit hindi mo subukan? Kesa magkaroon ka ng what if tapos at the end of the day sasabihin mo dapat ginawa ko ‘to sana.”


Sey daw ni Megan kay Mikael, kung sasali siya sa pageant, kailangang 1000% ang ibigay niyang effort at hindi basta “half-baked.”

Hanggang sa finally ay nag-decide na nga siyang sumugal at hindi nabigong maiuwi ang first ever Miss World crown ng bansa. Aniya, kahit daw magkalayo sila ni Mikael that time, ramdam na ramdam niya ang suporta ng aktor.

“Kahit hindi kami masyadong nagkikita noon na-feel ko talaga yung support niya,” sey ng Kapuso star.

Naibahagi rin ng aktres na noong finals night ng pageant, ay marami siyang nakitang kandidata na umiiyak sa backstage dulot ng relationship problems at karamihan sa mga ito ay nakipaghiwalay na sa kanilang mga dyowa.

Nakakalungkot daw ang senaryong iyon kaya naman super thankful siya na napanatili nilang matatag at solid ang kanilang relasyon sa mahabang panahon.

“Enjoy lang ako doon, ka-text ko si Fofo (tawag niya sa asawa), sinasabi niya ‘mag-cascade ka kung sino puwede bumoto sa ‘yo.’ Nag-i-stratetgize pa rin kami, ano ‘to laro?” natatawang pagbabalik-tanaw ni Megan da kanyang pageant journey.

Sa tanong naman kay Mikael kung ano ang feeling na meron siyang partner o asawang Miss World, “I’m not in love with Miss World, I’m inlove with Bonez (tawag niya kay Megan).

“If she’s Miss World in her work that’s something she could hold and something she could use in her job, with or without Miss World she’s still Bonez to me and it was clear to me and I knew it was clear to her that I was inlove with Bonez and he was inlove with Fofo and everything else is fluff,” dagdag pang chika ni Mikael.

Sey naman ni Megan, noong kasagsagan ng pagse-celebrate ng buong bansa sa pagkapanalo niya bilang Miss World in 2013, ay ipinaramdam sa kanya ni Mikael na siya pa rin ang dating Megan Young na minahal niya ilang taon na ang nakararaan. 

Nagpakasal ang Kapuso couple noong 2020 makalipas ang walong taon nang pagiging magdyowa.

Megan, Mikael umamin: Palagi naming nakakalimutan ang birthday at anniversary namin

Megan, Mikael nagkasundo na huwag munang magkaroon ng anak dahil…

Mikael, Megan inilabas ang naipong energy makalipas ang 2 taon: We’re super duper excited!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending