Gerald napa-walkout sa prank ni Ivana; Jake, Sam, Jameson hindi rin nakaligtas | Bandera

Gerald napa-walkout sa prank ni Ivana; Jake, Sam, Jameson hindi rin nakaligtas

Therese Arceo |July 02,2022
facebook
share this

Gerald napa-walkout sa prank ni Ivana; Jake, Sam, Jameson hindi rin nakaligtas

Therese Arceo - July 02, 2022 - 12:26 PM

Gerald napa-walkout sa prank ni Ivana; Jake, Sam, Jameson hindi rin nakaligtas

TAGUMPAY ang actress-vlogger na si Ivana Alawi nang ma-prank ang kanyang co-actors at leading men sa “A Family Affair” na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ibinahagi niya ang kanyang maitim na balak sa mga ka-eksena kung saan kinuntsaba pa niya ang buong production para lang maging successful ang kanyang prank.

Buena mano nga sa listahan ni Ivana sa mga ipa-prank ay si Gerald habang kinukunan nila ang eksena sa loob ng sasakyan.

Base sa script ay hahawakan at hahalikan siya ni Gerald sa kamay pero aarte siya na masakit ito dahil naipit ito sa pinto bago ang kanilang eksena.

Kitang-kita naman sa mukha ng aktor ang pag-aalala kay Ivana dahil makikita niyang namamaga ang kamay nito.

“Boss, sandali ha. Namamaga yung daliri niya. Lagyan muna natin ng ice,” sey ni Gerald.

Tinanggihan naman ng dalaga ang payo ng aktres at sinabing nais muna niyang tapusin ang eksena.

“Hindi mamaya iganun mo na lang tapos ito na lang hahawakan ko, ha. Okay ka lang?” tanong ulit ng binata.

Agad namang tumalima ang mga kakuntsaba sa prod at tinanong kung anong nangyayari.

Dito ay nagsumbong na si Ivana at sinabing napisa raw ng aktor ang kanyang kamay. May pag-iiba sa mukha ni Gerald nang tila sisihin siya ng dalaga pero lumambot ulit ang itsura nito habang ini-explain ng dalaga ang kunyaring nangyari.

“Hindi na niya kaya, Direk. Bali yung kamay. Bali,” sey ni Gerald.

Nag-adjust naman ang aktor dahil sinabing for airing ang eksena pero dumaing ulit si Ivana kaya naman talagang ipinatigil na ni Gerald ang eksena dahil naaawa na siya kay Ivana ngunit muli nilang sinubukan dahil sayang naman ang emosyon at iyak ng dalaga.

“It’s a prank,” natatawang saad ni Ivana nang hahalikang muli ng aktor ang kanyang kamay.

Napalabas ng sasakyan si Gerald sabay sabing, “Grabe ka. Grabe yun Direk.”

“Hindi kunan n’yo to, babalian ko na talaga,” natatawa pa niyang dagdag.

Namangha naman si Gerald dahil talagang namamaga ang daliri ni Ivana at sinabi nilang prosthetics ito.

Tila hindi makapaniwala ang aktor na napagtulungan siya para sa prank at tuluyan nang maglakad palayo habang matagumpay na tumatawa ang aktres.

Sumunod naman na biniktima ng dalaga sina Jameson at Jake.

Sa una ay umaarte si Ivana na marami pa siyang kukunang eksena at tila pinagmamadali ang mga tao para makunan na sila.

Nang nasa seryosong eksena na ang tatlo ay tumatawa naman ang dalaga at tila sinisisi ang co-actors na pinapatawa siya ng mga ito.

Sumigaw pa ang direktor na tila nagagalit na dahil may mga susunod pa silang eksena.

“Direk nahihirapan na po ako sa kanilang dalawa. Pwede pong hindi ako nakaharap sa kanila kasi parang nagpapatawa sila nang nagpapatawa. Ako na ‘yung naaapektuhan,” saad ni Ivana.

Tumalima naman ang dalawa at tumalikod ngunit nagreklamo na naman ang dalaga.

Panandaliang nag-usap ang tatlo kung ano ang dapat gawin pero talagang attitude ang aktres at desididong magtagumpay sa prank.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Umakyat na nga ang direktor para sabihing prank lang ang lahat.

Napaupo si Jake na tila hindi makapaniwala sa nagaganap.

“Sasagutin ko na Direk e. P***ngina. Anong magagawa ko kung ito talaga mukha ko,” nakangiting sabi niya sabay akbay kay Ivana.

“Ang dami nating time para mag-prank… Happy? Happy?” dagdag pa niya.

At ang huli sa listahan ng aktres ay si Sam Milby.

Ang eksena nila ay medyo sensual pero aarte si Ivana na naaalala niya ang ex-dyowa niya at nami-miss na niya ito.

“Sam, can you give me energy?” tanong ni Ivana.

Kitang-kita naman ang pagiging caring ng aktor at understanding dahil niyakap nito ang dalaga. Nagpalit pa ito ng tshirt dahil sinabi niyang naaalala niya ang ex sa suot nito.

“Bad shirt. We don’t like that shirt. We’re going to throw it away,” sabi pa nito bilang pagsuporta kay Ivana.

Nang makabalik sa kama ay tila nag-breakdown na si Ivana kaya niyakap siyang muli ni Sam.

Nag-adjust rin ito at tinakpan na lang ang katawan ng comforter at towel dahil hindi niya na maintondihan kung paano magpapakita ng suporta sa nasasaktang kaibigan.

Sa huli ay tila lito pa rin si Sam nang sabihin ni Ivana na prank lang ang lahat.

“Sorry na. Sorry na. Forgive me,” sey ni Ivana.

“Bwiset kayooo! Tapos pinapapalitan ako ng shirt. Kawawa ka e. O sige magpapalit ako… Umiyak ka pa,” pabirong sabi ni Sam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sam Milby may warning sa mga susunod na leading man ni Ivana Alawi…ano kaya yun?

Ivana Alawi ikinumpara sa ‘bulalo’ sina Gerald Anderson at Sam Milby

Gerald na-shock sa sex scene nila ni Ivana: Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending