Gerald na-shock sa sex scene nila ni Ivana: Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’ | Bandera

Gerald na-shock sa sex scene nila ni Ivana: Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 07:23 AM

Gerald Anderson at Ivana Alawi

“FROM now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako!” Ito ang excited na pahayag ni Gerald Anderson patungkol sa bago niyang leading lady na si Ivana Alawi.

Talagang bumilib nang bonggang-bongga ang Kapamilya hunk actor sa ipinakitang dedikasyon at propesyonalismo ng sexy vlogger sa upcoming drama series nilang “A Family Affair.”

Kaya naman isa raw siya sa mga taong nadagdag sa mga fans ni Ivana na sikat na sikat na vlogger na ngayon at isa sa mga celebrities na hinahangaan ng mga netizens at kapwa YouTubers.

In fairness, bukod sa mga drama moments nina Gerald at Ivana sa bago nilang serye, asahan din ang maiinit nilang eksena na siguradong ikagugulat daw ng mga manonood.

Sa panayam ng ABS-CBN, inamin ni Gerald na may ginawa silang sex scene ni Ivana sa nasabing Kapamilya series na kahit siya ay na-shock nang malaman niyang kailangan nila itong gawin.

Mag-asawa ang karakter na ginagampanan ng dalawang Kapamilya stars sa programa na unti-unting masisira ang relasyon dahil sa mga lihim ng kanilang mga pamilya.

Lahad ni Gerald hindi naman daw siya kinabahan sa nasabing intimate scene with Ivana, “First of all, mas iniisip ko…

Kasi pinuntahan pa ako ni Direk Jerome (Pobocan) sa tent bago kami kunan, in-explain niya sa akin kung ano ang gagawin at kung paano namin gagawin.

“Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to!’

“Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“Kinakausap ko ‘yung mga PA (production assistants), si direk. Minsan kapag feeling ko hindi na ganoon kakomportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk. Kasi siya (Ivana) ‘yung priority,” pag-amin ni Gerald.

At habang tumatagal nga raw ang kanilang lock-in taping at sa mga natapos na nilang mga eksena ni Ivana, masasabi ni Gerald na certified “fan” na siya ng dalaga.

Pagkatapos nga raw ng “A Family Affair” looking forward na raw siya na makita at mapanood ang actress-vlogger sa mga susunod nitong acting projects.

“From now on, I’m a fan, at magiging cheerleader ako. Sana, after this, isi-share pa rin niya ‘yung talents niya sa ating lahat.

“Exciting kung ano pa ang gagawin niya. Abangan niyo ang napaka amazing na Ivana dito,” pagmamalaki pa ni Gerald sa kanyang leading lady.

Makakasama rin nila rito sina Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake, sa direksyon nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo.

https://bandera.inquirer.net/281444/ivana-walang-kalandiang-dyowa-hindi-ako-naghahanap-hindi-rin-ako-nagmamadali

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294083/ivana-emosyonal-na-binalikan-ang-alaala-ng-ama-wag-nyo-hintaying-mawala-yung-tao
https://bandera.inquirer.net/296384/ivana-never-naging-dyowa-si-marco-binigyan-ng-pag-asa-si-joshua-sakaling-manligaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending