Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora Bandera

Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora

Alex Brosas |April 07,2021
share this

Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora

Alex Brosas | April 07,2021 - 04:37 PM

 

AYAW pakabog ni Vice Ganda, ha!

Dahil hindi na pumupunta ang dyowa niyang si Ion Perez sa gym sa takot na makakuha ng sakit dahil na rin sa pagtaas ng nabibiktima ng COVID-19, nag-decide ang “It’s Showtime” main host na ipagpagawa na lang ito ng gym sa second floor ng house niya.

Nakita namin sa isang YouTube channel ang post about the gym kung saan nag-e-exercise si Ion.

Halos kumpleto na sa gamit ang gym dahil sari-saring exercise materials ang nakita namin tuld ng weights, benchpress, treadmill at iba pa.

Sa video na aming nakita ay nag-we-weightlifting si Ion habang nanonood lang sa kanya si Vice Ganda.

“Busy siya. Busy siya diyan, oh. Dito lang siya everyday,” say ni Vice Ganda na nasa background.

Hindi pa rin live araw-araw ang “It’s Showtime” kaya naman maraming oras na magkasama ang magdyowa sa kanilang bahay.

* * *

Ilang araw na magkasama ang magdyowang sina Michelle Vito at Enzo Pineda sa Boracay.

Ini-enjoy ni Michelle ang short vacation dahil malapit nang magtapos ang kinabibilangan niyang soap opera na “Bagong Umaga”.

Panay ang post ni Michelle ng photos nila ni Enzo na kuha sa Boracay. Meron din naman siyang solo photos na pino-post.

Sa isang photo kung saan magkasama sila ni Enzo sa harap ng isang big rock formation ay ito ang message ni Michelle, “What happiness looks like…thank you for bringing so much joy to my  life.”

Agad naman itong sinagot ni Enzo ng, “Aww ako dapat magpasalamat sayo mahal ko.  thank you for being my happiness.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending