Angelica Jones tuloy na ang demanda sa tatay ng anak

Angelica Jones tuloy ang demanda sa tatay ng anak: Durog na durog ako!

Ervin Santiago - February 26, 2024 - 08:08 AM

Angelica Jones tuloy ang demanda sa tatay ng anak: Durog na durog ako!

Beaver Magtalas, Angelica Jones at Mutya Orquia

Tuloy na po ang laban! Hinding-hindi na ako papayag na masaktan uli ang anak ko!” Yan ang pagbabanta ni Angelica Jones laban sa tatay ng kanyang anak.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring kilalanin ang 11-year-old niyang anak na si Angelo ng biological father nito kasabay ng pagtanggi sa pagpirma ng birth certificate ng bata, na isa raw sa requirement para maka-graduate ito.

Sa panayam ng ilang members ng entertainment media kay Angelica sa presscon ng kanyang comeback movie na “When Magic Hurts”, naglabas ng sama ng loob ang aktres at singer.

Baka Bet Mo: Jericho maraming tinanggihang pelikula nang maghiwalay sila ni Kim

“Very emotional po talaga ako. Actually, deadline na yesterday. So, may pinagdaraanan po ako ngayon, like my son. Sorry po ha? Medyo naging emotional ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Jones Alarva (@alarvaangelicajones)


“Meron kasi yung parang deadline, one week, for birth certificate ng anak ko. And I told my son na puwede namang ilagay sa pangalan ko. Aakuin ko na lahat ng sakit, kaya sabi ko, love is sacrifice.

“Masakit sa nanay, nakakadurog ng puso pag anak mo na umiiyak. Pag anak mo na nasasaktan. Gusto mo kunin lahat ng sakit wag mo lang makita umiiyak anak mo. Durog na durog ako last night

“So, actually last night lang po nangyari. My son, sobrang iyak nang iyak siya last night (Friday, February 23). Hindi ko alam na may pinagdadaanan siya. Kasi nga, naging busy ako.

Baka Bet Mo: True ba, bahay nina Jericho Rosales, Kim Jones sa QC ‘for sale’ na?

“So aaminin ko po, until now, hindi po pinirmahan. And my son is graduating Grade 6. So hindi siya makaka-graduate kung walang birth certificate.

“Ang kailangan lang pirma, doon nakasalalay future ng anak ko for HS and college kasi mataas pangarap ng anak ko,” sey pa ng aktres.

“Ang sabi ko sa anak ko, ‘Everytime you get hurt, kapag nasasaktan tayo, wala tayong mahihingahan ng sakit, sama ng loob, kundi sa Panginoon.’

“Last night, nu’ng nakita kong durog na durog yung kalooban ng anak ko, umiiyak siya, sabi ko sa kanya, ‘Sige, iiyak mo lang iyan. Ilabas mo lang iyan! And then, talk to God.’

“Dinala ko siya sa altar. ‘Magdasal ka. Iiyak mo lahat sa Kanya. Remember, nu’ng mamatay si mom (Beth Jones)  and nabuhay siya sa COVID.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Jones Alarva (@alarvaangelicajones)


“’Three months sa ICU. Nabuhay siya. You pray. Na-grant ni Lord yon. So malay mo ngayon, may miracle, ma-grant uli yung wish mo.’ So sabi ko sa anak ko, na lahat ng bagay na masakit, lahat ng pain na nangyayari sa buhay natin, may purpose si Lord,” pahayag ni Angelica.

Mariin pa niyang sabi, “Wala kami hinahabol dahil mula pagbuntis, ako na financially, emotionally, spiritually, ako umako lahat. Ako gumastos. Wala siya binibigay na suporta.

“Ang gusto ng anak ko makilala siya, umiyak siya last night, sabi niya in ‘10 years di ako kinilala ng tatay ko, anak ba talaga ako, totoong anak ng tatay ko? Ang sakit, di ba?” dugtong niya.

Kasunod nito, nabanggit nga niya ang pagsasama ng kaukulang reklamo, “Ngayon po, nasa stage po ako na…ang plano ko po is to talk to my lawyer, to file a case against his dad. So tuloy na po ang laban.

“Kung noong nagbubuntis pa lang ako, na hindi ako nagdemanda, mas pinili ko ang magpatawad, mas pinili ko ang manahimik, to forgive, to forget and love, and peace of mind.

“But now, this, the rights para sa anak ko, hinding-hindi na ako papayag na masaktan, makita uli ang anak ko. So let’s wait and see what happens. Sa korte na lang po kami magkikita,” matapang na pahayag ni Angelica.

Samantala, very proud si Angelica sa pelikula nilang “When Magic Hurts” kung saan gaganap siya bilang nanay ng lead actor na si Beaver Magtalas.

“Opposite sa karakter kong kikay. Dito po, ang karakter ko ay demure. Nakapag-asawa ako ng mayaman, isa akong elegant na businesswoman at martir na nanay, mapagmahal na ina,” kuwento ni Angelica.

Actually, iyak daw siya nang iyak habang binabasa ang script ng movie, “Very emotional and nakaka-relate ako. Nu’ng nalaman ko yung role ko, pini-feel ko yung character ko kasi nga may anak din akong lalaki

“Kapag umaarte kami ni Beaver sa mga eksena, dito ko talaga nailabas ang sakit. Yung pain, failure, hurts. So sabi ko perfect timing yung binigay sa aking role dahil marami akong tinatagong mabibigat na nasa loob ko, nailabas ko lahat dito sa movie na ito.

“Pag napanood niyo ito, hindi kayo uuwing malungkot. Uuwi kayong masaya na may kasamang luha sapagkat tagos sa puso yung eksena namin.

“Kasi, di ba? Iyak, in love. Kasi, because I believe, love is sacrifice. Love is blind. So dito mo makikita lahat kung ano yung ibig sabihin ng pag-ibig,” sey pa ng aktres.

Kasama rin sa cast ng “When Magic Hurts” sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Claudine Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Archi Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tayson, at Julian Roxas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa direksyon ni Gabby Ramos, under RemsFilms Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending