Wish ni Tony Labrusca: Makasama sana ang 2 tatay sa Father’s Day
INAMIN ni Tony Labrusca na hindi niya tinatawag ng “Dad” ang biological father niyang aktor din na si Boom Labrusca. Katwiran niya, hindi naman ito ang nagpalaki sa kanya.
Mula pagkabata, ang stepfather na niya ang kanyang nakasama sa Canada, at sa loob ng 18 years ay ito na ang tumayong tatay niya. Nang mabuntis ang mama niyang si Angel Jones ay hiwalay na ito kay Boom.
Kaya sa nalalapit na Father’s Day ay tinanong namin si Tony kung paano niya ito ise-celebrate at kung sino sa dalawa niyang ama ang makakasama niya?
“Well because of hectic schedules po, laging last minute. Last year po biglaan lang kasi nagkataon ‘yung La Luna (Sangre) mall show tapat sa Father’s Day so nag-celebrate na lang kami right after.
“So this year, I hope to celebrate it with both my dads, may stepfather is in Camsur (Camarines Sur) right now, and my biological father, Boom, I don’t know where he’s right now. I think he just visited my brother in Palawan.
“So, I’m gonna ask him if my brother is in town again so we can have him also for dinner. I want to celebrate it sana with both of my dad, but not at the same time,” ani Tony.
Kailan planong tawagin ni Tony ng “Daddy” ang biological father niya? “Parang right now, more on bros kami, eh (sabay ngiti). Para kaming magkapatid. Actually, I don’t call him his first name. Paano nga ba? Basta I don’t call him by his first name.
“Basta I just think that there’s a man who raised me and it’s very disrespectful just to give away the name dad to somebody who’s with me the whole time and to just give to somebody who just came into my life now, I don’t know.
“I wanna respect everybody but at the same time, I call my stepfather dad because he was around,” opinyon ng binatang aktor.
Dagdag pa niya, “I love my fathers, you know what I mean, I feel people look at the wrong idea.”
Hindi naman lahat ng tinatawag na daddy ay magkakadugo, puwede rin namang hindi lalo’t inaruga ka simula noong bata ka, “The relationship, the trust, the bonded we build. I love both of them. I wouldn’t be here if wasn’t for either of them you know what I mean? So, I’m always gonna have a high respect for them.”
Anyway, business minded din pala si Tony at naisip na niyang magsimula habang medyo marami siyang offers dahil naniniwala siyang hindi long-term ang showbiz.
Kamakailan ay naki-partner siya kay JR Cruz ng WBC Food Kiosk na nag-conceptualize ng Deja Blend na isang on-the-go beverage store.
Bukod sa partnership nina Tony at JR ay ang aktor din ang tumatayong endorser at marketing manager nito.
Naghahanap na ngayon ng magandang lugar sa Quezon City na malapit sa ABS-CBN sina Tony para tayuan mg Deja Blend kiosk. Ito’y para mapuntahan daw niya nang madalas ang store at matutukan nang husto.
May existing branch na ang Deja Blend sa Taytay, UE Sta. Mesa at magbubukas na rin sila sa Legarda sa July 8, at may isa pa sa Divisoria 999 Mall. May mga negotiation na rin sila para sa SM Malls.
“Mas inuna muna namin ang launching ni Tony as our ambassador para may mukha na ang Deja Blend,” sabi ni JR.
Sa mga gustong mag-franchise, mag-email lang kayo sa sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.