JC de Vera napapanatili ang private life ng pamilya dahil sa pag-iwas sa socmed, gusto pang dagdagan ang 2 anak, pero... | Bandera

JC de Vera napapanatili ang private life ng pamilya dahil sa pag-iwas sa socmed, gusto pang dagdagan ang 2 anak, pero…

Ervin Santiago |September 13,2023
facebook
share this

JC de Vera napapanatili ang private life ng pamilya dahil sa pag-iwas sa socmed, gusto pang dagdagan ang 2 anak, pero…

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 07:48 AM

JC de Vera napapanatili ang private life ng pamilya dahil sa pag-iwas sa socmed, gusto pang dagdagan ang 2 anak, pero...

JC de Vera, Rikkah Cruz, Lana at Laura

SA KABILA ng kanyang kasikatan bilang isa sa mga pambatong leading man ng ABS-CBN, napapanatili pa ring pribado ni JC de Vera ang kanyang personal life.

Ayon kay JC, isa sa mga iniiwasan niya upang hindi masyadong maintriga at matsismis ay ang regular na paggamit ng social media.

“I shy away from social media. Nagpo-post naman ako, pero hindi ‘yung bawat kilos at bawat galaw ng pamilya ko ay nasa social media. That’s one way,” ang pahayag ng Kapamilya actor sa panayam ng ilang press sa bloggers’ conference ng kanilang hit afternoon series na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”

Nabanggit din ni JC na malaking factor din sa kanyang private family life ang pagkakaroon ng small circle of friends at ang hindi masyadong paglabas-labas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)


“I have a small circle lang din kasi, like ‘yung pamilya talaga namin is small. We have friends, small circle of friends so alam mo ‘yon. Hindi rin kami palalabas na mga tao.

“So naki-keep talaga namin ‘yung privacy namin. Then we are happy with that na kami-kami lang,” aniya.

Patuloy pang pagbabahagi ni JC, “Yun nga ang main thing doon ay ‘yung social media. Siguro hindi namin talaga ipinapakita lahat sa social media kasi I fully understand na ako lang ‘yung nasa show business at ayaw kong ma-involve ang pamilya ko doon sa industriyang pinapasukan ko di ba?

Baka Bet Mo: JC de Vera sa pagiging Kapamilya: Naging actor ako, ‘yun ang pinakamasarap sa pakiramdam

“Lalo na ang kids ko kung nag-aaral sila, marami ang magtatanong sa kanila kung tatay ba nila ako or how does it feel ba na ang tatay mo ay nakikita sa TV.

“So, staff like that parang ayaw kong ma-put ang family ko into that situation. Gusto ko kapag natanong sila ng time na ‘yon they know how to answer privately pa rin.

“Yung parang hindi pa rin nila ikukuwento kung ano ‘yung buhay talaga namin, kasi ano pa ang ipapakita namin, ‘di ba?” sey pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)


Samantala, gusto pa ni JC at ng wifey niyang si Rikkah Cruz na dagdagan ang dalawa nilang anak na sina Lana at Laura.

“Pinag-uusapan namin, kasi ang happy eh. Ang ganda sa pakiramdam ‘yung nagba-bonding kayo apat na kami, dati tatlo lang.

“Tapos nadagdag yun isa parang ang ganda nung environment, very positive. So alam mo ‘yung pinag-uusapan pa lang naman pero not anytime soon.

“Kasi siyempre kakapanganak lang nung isa, hindi pa kami nakakapag-adjust. So hopefully within a few years siguro makapag-decide kami. Pero if you are going to ask kung next year na ba, no,” mariing sabi ni JC.

Samantala, tuloy ang mga pasabog sa Kapamilya afternoon series na “Nag-Aapoy Na Damdamin” na pinagbibidahan nina JC, Jane Oineza, Tony Labrusca at Ria Atayde, mula sa direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique.

David Licauco trip makipag-date sa Binondo at malalamig na lugar; pangarap maging PBA player

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JC de Vera biglang napaiyak matapos mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN: Wow! Answered prayer!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending