Banta ni Angelica Jones sa tatay ng anak: 'Kung may masamang mangyari sa kanya, ikaw ang una kong ipakukulong' | Bandera

Banta ni Angelica Jones sa tatay ng anak: ‘Kung may masamang mangyari sa kanya, ikaw ang una kong ipakukulong’

Reggee Bonoan |August 15,2023
facebook
share this

Banta ni Angelica Jones sa tatay ng anak: ‘Kung may masamang mangyari sa kanya, ikaw ang una kong ipakukulong’

Reggee Bonoan - August 15, 2023 - 08:08 PM

Banta ni Angelica Jones sa tatay ng anak: 'Kung may masamang mangyari sa kanya, ikaw ang una kong ipakukulong'

Angelica Jones

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol kay Angelica Jones at sa anak niyang si Angelo Timothy Benedict Alday na hindi kinilala ng kanyang ama.

Sa part 2 ng panayam ni Morly Alinio sa YouTube channel nitong “Morly Alinio, Ito ang Tondo” kay Angelica ay nabanggit nitong plano na niyang kasuhan ang ama ng anak na si Dr. Gerald Alday.

Matatandaang hindi raw pinirmahan ng ama ni Angelo na si Dr. Gerald Alday ang kanyang birth certificate kaya’t ang tanong ng bata sa inang si Angelica, “Mommy nakasalalay sa birth certificate ko ang career and future ko. Pag hindi pinirmahan ni daddy at hindi niya ako kinausap anong mangyayari sa future ko?”

Bago kinausap ni Morly si Angelo ay muling tinanong nito si Angelica na baka kaya nag-iingay ang board member ng 3rd District ng Laguna Province ay para sa pagbabalik niya sa showbiz dahil nakagawa na siya ng pelikula.

Pero kaagad itong sinangga ni Angelica, “Naku, tito Morly kung gusto ko ng ingay sana a year ago pa. Ilang years akong nanahimik hindi ako nagsalita at hindi ko gagamitin ang isyung ito dahil buhay ng anak ko ang nakasalalay dito, future ng anak ko ang nakasalalay dito.”

Diin pa niya, “Bilang isang ina, ako ang author nu’ng ordinance for sole parent for the Province of Laguna and Childrens’ Right (na) may batas ang gobyerno na puwedeng managot ang sinumang tatay na inabandona o hindi nagbibigay ng suporta sa kanyang anak.  Puwedeng kasuhan at puwedeng ipakulong!”

Sa tanong kung ipakukulong ni Angelica ang tatay ng anak, “Plano kong ipakulong kung hindi niya aayusin ang obligasyon niya para sa anak namin. Ipakita at iparamdam niyang tatay siya at ‘yung moral support kay Angelo.

“Kakawa naman si Angelo, durog na durog na yung bata. Hindi naman siya laruan na puwede mong itapon na lang.  Tao ‘yan, ginawa ng Diyos. Ikaw ang tatay, so, magpakatao ka, magpakalalaki ka.aka

Baka Bet Mo: Tanong ni Angel sa amang si Angelo Colmenares: Sino sa mga ex ko ang pinakaayaw mo?

“Kung nakakatulong ka sa constituents mo sa Batangas (because) you’re a doctor, kung nakakatulong ka sa ibang tao bakit hindi mo muna ayusin ang buhay ng anak mo.

“At kung may masamang mangyari sa anak ko at mamatay ang anak ko, ikaw ang una kong ipakukulong.  Simpleng-simple lang, pipirmahan mo lang naman ang birth certificate, pipirmahan mo lang ang affidavit loss ng St. Lukes (Hospital).

“Napakadali, wala namang kayamanang usapan dahil hindi namin kailangan ang kayamanan mo dahil in 10 years ako ang gumastos at bumuhay sa anak ko. Ang hinihiling ng anak ko ay rights niya bilang anak na ibigay mo para sa kanya,” dire-diretsong sabi ni Angelica.


Ayon pa sa mama ni Angelo ay matagal na sana niyang inasunto ang ama ng anak pero panay ang pakiusap ng magulang ng doktor na huwag idemanda ang anak nila plus paboritong apo pa ang anak ni Angelica.

“Mahal na mahal ng lolo’t lola niya ang anak ko dahil paborito nga siya pero nu’ng mawala na ang lolo’t lola ng anak ko ay umiiyak na lang siya at ang sabi niya, ‘mommy ang hirap pala pag wala si lola, wala na akong kakampi, walang nagmamahal sa akin. Paano na ako mommy?’” sabi ni Angelica.

At dahil ilang taon nang tahimik si Angelica ay nagsilbing blessing sa kanya na nagkita-kita sila ng mga kaibigang reporters para magpa-interview at kumalat ang isyung ito tungkol sa ama ng anak.

Dagdag pa na asunto ang aabutin ng doktor na ama ni Angelo kapag hindi nito pinirmahan ang birth certificate na hindi puwedeng itanggi dahil may DNA test, magbibigay ng financial at moral support.

“Sa kanya (Dr. Gerald Alday) nakasalalay ‘yan kung ayaw niyang makulong, kausapin niya anak niya, hindi na ako ang kalaban niya rito, ang bata na,” diin ng board member ng Laguna.

Nabanggit pa ni Angelica na sabay silang nagkasakit ng COVID noon ng ina niyang si Mommy Beth na pareho silang nasa ICU at panay ang iyak ng anak habang sinasabi nitong kailangan niyang mabuhay para ipaglaban siya.

Dahil wala na nga raw siyang kakampi at sa awa naman ng Diyos ay gumaling naman sila. Pero ang isa pang pagsubok na hinarap niya ay nang operahan siya sa myoma na inabot ng 14 hours dahil naubusan siya ng dugo.

“Kasi nga ginagawan ng paraan para huwag matanggal ang matres ko. ‘Yung iba tinatanggal, ako hindi tinanggal,” esplika ni Angelica.

Hindi naman itinanggi ng nagbabalik showbiz na aktres na gusto pa rin niyang magkaanak. Inamin ding nagkaroon siya ng boyfriend pagkatapos ng relasyon nila ng ama ng anak na umabot sa anim na taon pero nagkahiwalay din.

Sa ngayon ay business partner pa rin sila ng naturang lalaki pero walang usapan kung sila pa o hindi na.

“Go with the flow lang kasi hindi namin nagpag-uusapan kung saan papunta o anuman. Binata rin siya,” giit ni Angelica.

Samantala, si Angelo naman ang pinaupo ni Morly sa harap ng kamera na gusto rin ng bata dahil gusto nitong ilabas ang saloobin sa ama.

“To be honest, after being…he’s not treating me like a son for 10 years, I feel like I don’t have a father anymore! After having a single mom for 10 years it has learned me that my father is heartless.  He’s a heartless guy!” diretsong sabi ng bata.

At ang mensahe nito sa ama, “Kung itinuring mo akong isang anak after 10 years, hindi ako magkakaganito. After 10 years, it learned me that after loving you it makes me more hating you. I’m not afraid to face you off, there’s only one thing I just want to happen. You just need to sign my birth certificate! It’s really needed for my education and for my birthday.”

Nangingilid naman ang luha sa mga mata ni Angelica habang pinakikinggan ang sinasabi ng anak dahil dumating na sa puntong kinamumuhian na nito ang ama na kung tutuusin ay puwede namang hindi umabot sa ganu’n.

Pero sa kabilang banda ay inamin ni Angelo na mahal pa rin niya ang ama dahil sa dugong nananalaytay sa kanyang ugat.

Sabi ng ina ni Angelo, “Actually siya ang may gustong magpa-interview, ayaw niya akong mapasama, gusto niyang siya na ang magsalita at sa totoo lang ako ang pumipigil sa kanya pero sabi niya future niya ang nakasalalay sa nangyayari. Kita mo mahal pa rin niya ang ama, sobrang mabait talaga ang anak ko.”

Anyway, nsnanatiling bukas ang BANDERA sa panig ni Dr. Gerald Alday hingil sa isyu nila ng anak na si Angelo at sa ina nitong si Angelica Jones.

Anak ni Angelica Jones gustong makita ang ama: ‘Mom, masama ba akong anak? Hindi ba siya proud sa akin? Hindi ba niya ako mahal?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno nagbigay ng payo kay Joaquin: Maging responsable

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending