ANGELICA JONES nagsinungaling, nabuntis lang daw ng kainuman? | Bandera

ANGELICA JONES nagsinungaling, nabuntis lang daw ng kainuman?

|August 28,2012
facebook
share this

ANGELICA JONES nagsinungaling, nabuntis lang daw ng kainuman?

- August 28, 2012 - 07:26 AM

Hindi  raw doktor ang ama ng kanyang baby

Natawa ako kay Bro. Arman Cuban nu’ng mag-guest ito sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM. Siyanga pala, belated happy birthday sa BFF kong si Papa Ahwel last Saturday. Anyway, going back to Bro. Arman, kinontra niya ang balitang isang certain Dr. Gerald Alday ang ama ng pinagbubuntis ni Angelica Jones.

“Hindi iyon ang ama ng bata. Ang nakabuntis sa kanya ay kainuman lang niya sa Laguna.

Yung parang trip-trip lang,” ani Bro. Arman.

Sumakit ang tiyan namin ni Papa Ahwel sa katatawa. Imagine, sabihin ba namang ang tunay na ama ng ipinagbubuntis ng dalagang Board Member ng Laguna ay kainuman lang.

Kumbaga, disgrasya lang daw ang pagkakabuntis sa kanya.

Sabi nga namin, what if lumabas sa DNA test na ang totoong ama ng magiging anak ni Angelica ay si Dr. Alday talaga?

“Hindi totoo iyan. Kahit ipa-DNA ni Angelica ang bata, lalabas pa rin ang totoo,” mabilis na sagot ni Bro. Arman Cuban.

Gayunpaman, bukas ang pahinang ito sa panig ni Angie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending