Tatay na itinanggi ang anak, responsableng ama na ngayon

Tatay na itinanggi ang anak naging responsableng ama dahil sa CIA with BA

Ervin Santiago - March 07, 2024 - 09:35 PM

Tatay na itinanggi ang anak naging responsableng ama dahil sa CIA with BA

Boy Abunda, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano

BINISITA ng “CIA with BA” ang ama na minsang itinanggi ang kanyang anak at ipinakita kung gaano na siya karesponsable ngayon.

Noong Pebrero 4, inireklamo si Mike ng kanyang ex-partner na si Catherine dahil sa hindi niya pagtanggap sa kanilang anak.

Iginiit pa noon ni Mike na imposibleng siya ang ama ng bata dahil nanganak si Catherine sa kanyang ikawalong buwan ng pagbubuntis.

Baka Bet Mo: Maine Mendoza pinabulaanang ipapalabas sa TV ang kasal nila ni Arjo Atayde

Sa tulong ng mga eksperto, nagsagawa ng DNA test ang programa kung saan nalaman na si Mike nga ang ama ng bata – 99.999999%.

“Mali po ‘yung pag-aakala ko na wala pong nanganganak ng eight months,” sabi ni Mike noong siya ay binisita ng mga staff ng “CIA with BA” na ipinalabas nitong Linggo, Marso 3.

Sa gitna ng pagtatrabaho, nakakapaglaan na ngayon ng oras si Mike para sa bata – isang bagay na hindi niya inakalang magiging bahagi ng kanyang buhay.

“Masaya kasi naaalagaan ko, nakakarga ko,” kwento niya. “Kapag lumaki po si CJ, ang balak ko po, pag-aralin, bigyan ng baon, pakainin at alagaan.”

Para naman kay Catherine, magaan ngayon sa kanyang pakiramdam ang kanilang sitwasyon.

“Ang saya-saya. Parang natanggal ‘yung problema mo. Kahit pagod na pagod ka, makikita mo ‘yung mag-ama, nagbo-bonding. Kung pwede lang sana araw-araw ganu’n,” aniya pa.

Bukod sa mga grocery items at iba pang tulong na ipinangako ng “CIA with BA,” nabigyan din ng bagong pedicab si Catherine na si Mike mismo ang humiling.

“Para kung gusto man niya bumiyahe ulit, wala siyang aalalahanin na boundary,” saad niya.

“Alam niyo po, kay Cathy at kay Mike, marami talagang nagalit kay Mike,” pagbabahagi ni Sen. Alan Cayetano sa pagtatapos ng episode.

“Medyo hindi maganda intensyon niya kay Cathy. Pero nung nalaman niya ‘yung totoo, truth matters na yes, anak niya ‘yon, he said he’ll take responsibility,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Sen. Alan, Sen. Pia, at ang award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending