Diego aminadong si Sofia Andres ang TOTGA

Diego aminadong si Sofia Andres ang TOTGA: ‘Ang laki ng pagkakamali ko’

Reggee Bonoan |March 01,2024
facebook
share this

Diego aminadong si Sofia Andres ang TOTGA: ‘Ang laki ng pagkakamali ko’

Reggee Bonoan - March 01, 2024 - 07:59 AM

Diego aminadong si Sofia Andres ang TOTGA: 'Ang laki ng pagkakamali ko'

Diego Loyzaga, Sofia Andres

ANG aktres na si Sofia Andres pala ang The One That Got Away ng aktor na si Diego Loyzaga.

Ito ang inamin ni Diego sa “Truth or Dare” segment sa vlog ni Konsehala Aiko Melendez na in-upload sa YouTube channel noong February 29.

Paalala ni Aiko,“Kilala ka Diego for being so outspoken tingnan natin kung magtu-truth or dare ka.  Pagka hindi mo nasagot ‘yung question may consequences ka.”

Mabilis namang sagot ng binatang ama, “Ms Aiko magti-trending talaga tayo nito kasi I will answer talaga.”

Tawang-tawa ang content creator, “feeling ko sasagutin niya lahat, oh my God!”

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga, Alexis Suapengco nasa ‘open secured relationship’, sey ni Ogie

Hindi pa rin nawawala ang tawa ni Aiko kaya nasambit ng aktor, “Oh my Lord! Parang nakikita ko na kung saan papunta ito, ha, ha, ha.”

Tanong kay Diego, “Pumili ng isa – Barbie Imperial, Sofia Andres, Franki Russell and Julia Montes sino sa kanila ang maituturing mong The One that Got Away?”

Mabilis na sagot ng aktor, “Sofia Andres. Kasi ang laki talaga ng pagkakamali ko kay Sofia.”

Sa pagkakatanda naming ay naging magkarelasyon sina Diego at Sofia nang gawin nila ang TV series na “Pusong Ligaw” noong 2017 kasama sina Jericho Rosales, Bianca King, Enzo Pineda, Albie Casino at Beauty Gonzales mula sa direksyon nina Elfren Vibar, Henry King Quitain, GB Sampedro at Ian Loreños.

Kontring trivia rin na nasubaybyan naming ang relasyon nina Diego at Sofia na away-bati, pero kitang-kita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa at parati namin silang nakikita sa malls kasama ang mommy Monette ng aktres at ang kapatid nitong may down syndrome na si Bryan.

At higit sa lahat, nakasabay din naming manood si Diego ng pelikulang “Kita Kita” na may ibang kasamang babae sa Robinson’s Magnolia.

Hindi naman ito pala itinanggi ni Diego kay Sofia nu’ng nabuking na may iba siyang kasama.

“I’m very open naman about it (na) I made a really big mistake ‘cause I was a kid, I was twenty years old (or) twenty one,” pagtatapat ng aktor.

“I’m sure you’re very happy, “ sambit ni Aiko.

“With her life?  Oo naman sobra! (pinakita ang larawan ni Sofia kasama ang partner na si Daniel Miranda at anak nilang si Zoe) I’m so proud and happy for her.  I remembered when were together pa those the things that she has now ‘yun ‘yung mga binabanggit niya nu’ng time nay un na sana magkaroon siya (and) she has everything now,” pahayag ni Diego.

Tinanong ni Aiko kung nagkita na sila, “I haven’t seen her, never seen her.”

Pero may closure naman sina Diego at Sofia.

“I remembered the last time that I saw her I went to where she was and I tried to seek closure and yes this is long time ago,” pag-amin ulit ng binata.

Natatawa naman si Aiko dahil sa mga diretsong sagot ni Diego.

“That’s okay, I told you I’m gonna answer that,” napangiting sabi ng aktor.

Nabanggit din ni Diego na may ex-girlfriend siyang binalikan, ang ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco na dati na pala niyang naka-relasyon taong 2020 at nagkabalikan ng 2023, pero walang label na dahil nga doon nasisira ang relasyon.

“Once you put a label on it you hold rights to this person, eh (na) oh, bawal kang ganito, bawal kang magganito and misan ‘yan ‘yung nakakasira sa isang relasyon. It should come naturally to be honest.  It should not like a contract that you signed,” paliwanag ng aktor kung bakit ayaw niya ng may label at gusto niya ang open relationship.

Pero klinaro ni Diego na gusto rin naman niya ng commitment pero sa kasalukuyan ay hindi ito ang prayoridad niya dahil trabaho muna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I think the past three years the people seen me commit so many times and my relationships all failed, so, I don’t wanna commit (pa),” diin ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending