Diego Loyzaga, Alexis Suapengco nasa 'open secured relationship'

Diego Loyzaga, Alexis Suapengco nasa ‘open secured relationship’, sey ni Ogie

Therese Arceo |January 10,2024
facebook
share this

Diego Loyzaga, Alexis Suapengco nasa ‘open secured relationship’, sey ni Ogie

Therese Arceo - January 10, 2024 - 06:46 PM

Diego Loyzaga, Alexis Suapengco nasa 'open secured relationship', sey ni Ogie

Diego Loyzaga at Alexis Suapengco

HOW true kaya ang chikang nakalap ng talent manager na si Ogie Diaz na nasa “open secured relationship” sina Diego Loyzaga at ang ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco?

Base sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ay napag-usapan nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang kasalukuyang kinakaharap na isyu ng anak ni Cesar Montano.

Kamakailan kasi ay lumantad na ang ina ni Diego sa publiko at sinabing pinalayas raw siya ng aktor sa bahay nito kasama ang kanilang baby para sa isang babae.

Ayon pa kay Alexis, sinabi raw ng aktor na hindi na niya ito susustentuhan kung hindi nito buburahin ang kanyang IG story.

Chika ni Ogie, narinig raw niya na nagkaroon raw ng misunderstanding sina Diego at Alexis.

Aniya, ano pa raw kasi ang maipo-provide ng aktor pada sa kanyang mag-ina kung mawawalan siya ng career dahil sa ipinost ni Alexis.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binengga nang bongga si Diego Loyzaga: Tigas ng mukha mo bro

@banderaphl BIGLANG naglantad sa publiko ang rumored partner at ina ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga! #DiegoLoyzaga #newsph #EntertainmentNewsPH #banderaphl #fyp #celebritynews ♬ original sound – Bandera

Dito ay naisiwalat nga ni Ogie na ayon sa kanyang source ay nasa open relationship sina Diego at Alexis.

“Gaano katotoong na mayroon silang open secured relationship? Ibig sabihin, I will provide for you pero let me entertain other girls pero hindi kita pababayaan,” lahad ni Ogie.

Sabi pa raw ng kaibigan ni Alexis na nakausap ni Ogie, pumayag raw ito sa ganoong set up basta ibibigay ni Diego ang mga kailangan ng anak nila.

“Pero sabi ng friend nung Lex sa akin, ‘di ba Ogie napakabastos naman nun? Nandun nakatira ‘yung mag-ina mo, paalisin mo ‘yung mag-ina mo kasama ‘yung maid, para maka-enter lang yung ibang babae. ‘Di ba pwedeng dalhin daw yun ni Diego sa ibang bahay, o i-check in sa motel at doon sila mag-usap,” chika pa ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi lang raw isa at mayroon pang ibang babae kaya naman tanong ni Ogie kung tru ba ito.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Diego at Alexis hinggil rito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending