Magkapatid nasira dahil sa tsismis; pinag-ayos, pero...

Magkapatid nasira dahil sa tsismis, pinag-ayos ng CIA with BA, pero…

Ervin Santiago - February 22, 2024 - 11:16 AM

Magkapatid nasira dahil sa tsismis, pinag-ayos ng CIA with BA, pero...

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

MAPANAKIT ang mga salita! Dumulog si Edna sa “CIA with BA” nitong Linggo, February18 upang ireklamo ang kanyang nakababatang kapatid.

Mismong ang kapatid daw niyang si Rubie dahil umano sa pagkakalat nito ng tsismis na siya ay may ibang lalake.

Sabi niya, posible talaga itong magawa ng kapatid dahil ito mismo ang sabi ng kanyang asawa, pero mariing itinanggi ito ni Rubie dahil aniya hindi niya ito magagawa dahil sila ay magkadugo.

“Kasiraan niya, kasiraan ko din,” sabi ni Rubie.

Baka Bet Mo: Boy, Alan, Pia tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagbibigay ng legal advice sa ‘CIA with BA’ season 3

Inihayag na rin niya ang mga hinaing laban sa nakatatandang kapatid dahil umano sa pananakit at pang-iinsulto nito sa kanyang mga anak.

“I remember ‘yung isang riddle – ‘habang nababawasan, lalong lumalaki – butas,” pagbabahagi ni Sen. Alan Peter Cayetano nang kanilang pagnilayan ang kaso.

“Ganu’n pala ‘yung mga problema sa relationship, kapag hindi mo na-ceasefire, lalong lumalalim nang lumalalim so darating ‘yung araw na napakahirap nang i-solve,” aniya pa.

Kasama ang kapatid na si Sen. Pia Cayetano at co-host na si Boy Abunda, sinubukan ni Alan na ipaintindi sa dalawa kung gaano kahalaga ang magkapatawaran sila na tila mahirap para kina Edna at Rubie.

Sinabi ng dalawa na bukas naman sila para dito dahil kahit na anong mangyari, sila ay magkapatid.

Sa pagtatapos ng segment na “Case 2 Face,” ipinagdasal sila ni Sen. Alan.

“I still believe na malaki pa rin ang pag-asa ni Edna at ni Rubie pero lesson sa ating lahat, kung merong hindi pagkakaunawaan, try to resolve it right away. Kung hindi ma-resolve, ‘wag nating pilitin, pero ‘wag nang lumalim pa,” sabi pa ng senador.

Baka Bet Mo: ‘Christmas In Action’ ng ‘CIA with BA’ nakatulong na may pa-free concert pa

“I’m really hoping 2024 will be a year of healing for all Filipino families,” dagdag pa niya.

Para naman kay Sen. Pia, “We always encounter this. Ang laking role po ng mga kaibigan, kapitbahay, ibang kamag-anak na ‘wag nang dagdagan.”

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘
“Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Sens. Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending